Wednesday, June 30, 2004

isang araw na nagtago ang araw

isang linggo halos ang dumaan bago ko nakain ang binigay sa aking... um... pagkain (sorry, hindi ko alam ang tawag) ni jacq. hinihintay ko kasi noon si odessa kasi birthday ni aj.

malakas ang hangin at ulan sa nakalipas na mga araw. naalala ko noon, ang ulan ay pag-ibig ayon sa isang nilalang--ako. kanina, nang maghiwalay kami niyang natagpuan ko sa greenplace kahapon habang kasama ko si reggie na mukhang babae, pagkatapos ko siyang habulin para makapag-usap kahit kaunti (may pupuntahan siya at sasamahan sana ako kaso may assignment akong hindi ginawa), biglang bumuhos pa nang mas malakas ang ulan. sa isip ko, wala akong kinalaman sa ulan, tapos naalala ko na baka mayroon nga. hehe.

naganap kanina ang unang section meeting sa aking pamumuno na may kabuluhan. masaya kahit na lima lang silang bagong kasapi. sana mapagbuti ko ang mga susunod.

mga mensahe:

arun at reggie, naisip ko lang na may posibilidad pala na pag-awayan natin ang isang babae. asteg, kaso hindi ko maisip na mangyayari iyon. oh well, her loss. hahahaha.

dandi, oo, psychic ako.

soyster, malaki ang kasalanan ko sa iyo at humihingi ako ng tawad dahil hindi ako ang patnugot na hinanap natin minsan. pero gaya ng lagi, babawi ako.

1 comment:

stani said...

sa tingin ko hindi iyon mangyayari kasi from my experience magbbow-out ako habang maaga pa. 'wag mo na lang itanong kung anong experience 'yan. T_T

kakaiba. 'yung mga ingles ang s'yang naka-italics.