Wednesday, July 21, 2004

problema?

masama ang gising ko kaninang umaga.

hindi ko nagawa at napasa ang requirement sa engiman. wala akong pakialam sa bonus points pero dahil requirement siya, kailangan ko pa ring ipasa na walang credit kundi bagsak ako.

maraming trabaho bilang patnugot ng prosa at ako'y nalulula. hindi ko alam kung kakayanin ko kahit dahan-dahan lang.

hindi ko maintindihan ang mga aralin sa struct1 at ceflume at huwag nating kalimutan ang geology. sabay isang linggo nang late ang isa kong experiment report ko sa ceflula.

nakibalita ako kay nikky (ok, nakalimutan ko ang spelling) tungkol kay katie. nasa uk na pala, nag-aaral at nagtatrabaho. hindi man lang ako nakapagpaalam. wala man lang akong maalalang pag-uusap na matino noong huli kaming nagkita noong bakasyon.

may mga kaibigan akong problemado at alam kong problemado sila sa likod ng kanilang ngiti. gusto ko mang makatulong, hindi ko alam kung paano.

kung ibang tao siguro ang nasa kalagayan ko, sasabihin nilang marami silang problema. hindi ko alam kung makabubuti sa akin `to o hindi na easy-easy lang ako. pero masaya pa naman ako sa mga problemang ito kung maituturing ngang problema. bukas, pagkagising ko, babawi ang mabuting kapalaran ko. syempre, may gagawin ako para magkaganoon. hindi ko man alam kung ano iyon ngayon, naniniwala ako. iyon naman ang mahalaga para sa akin, e.

lift your head, baby don't be scared of the things that could go wrong along the way. we'll get by with a smile...

No comments: