una sa lahat, nalampasan ko na ang selos ko.
pangalawa, mahaba-haba itong kwentong ito. emphasized ang mahahalagang bahagi.
late ako sa engiman na klase kasi late akong bumangon pagkatapos ng pang-ilan kong gising. pinahiram ko kay patrick pagkatapos ng klase ang vcd ng my sassy girl. sabi ko kailangan niyang ipapanood sa iba pagkatapos ng pitong araw kundi mamamatay siya.
nauna siyang nakababa at tumigil ako sa isang tambayan sa engwalk kung saan naroon si patrick, george, shiela at iba pa. ang unang bati ko kay patrick ay, "you die in seven days," na paos at nakumpirma ko sa sarili ko na hindi maigi ang lalamunan ko ngayon (at aliw ako sa ring).
nakita kong parating sina karl, jenny at carlos. kinausap ko muna si carlos nang kaunti tungkol sa circulation habang naglalakad. dumating si lica at nagpunta na kaming lima - patrick, george, shiela, siya at ako.
malamig pero hindi hangin o juice ang tinutukoy ko. (go figure.) walang pag-uusap sa pagitan naming dalawa. marahil dahil sa hindi ako makapagsalita nang maigi dahil sa lalamunan ko o dahil wala lang akong maisip sabihin. wala hanggang sa south conservatory kung saan nag-aral sila para sa quiz nila sa phyeng2. walang bago. magkatabi kami mula pa sa kainan pero halos walang pag-uusap hanggang sa maupo kami sa conserv. (pasensya na...)
habang nag-aaral sila, sinubukan kong mag-edit ng gawa ni jaja. hindi ko rin natapos. umalis si george, may klase yata. dumating sina kenneth at jeff (na kaklase ko sa lasalle at `yung pinsan/kabarkada ko). may mga katatawanan dahil nandoon si kenneth.
umalis si kenneth. umalis si jeff. umalis sina patrick at shiela. i love physics. enough said.
naroon na si patrick at nasa magkahiwalay na bench na kami nang dumating si jude. (alam ko na na hindi na ako nagseselos.) napunta sa usapan na dati palang malate si jude. medyo napahiya siya sa akin nang malaman niya editor ako. sabi nya kasi kina patrick na wag sumali sa malate. gets ko kung bakit - something about politics. nga pala, may kopya ng malate sa mesa noon. umalis na si jude at naisip ko, bakit ba nasa kabilang bench si lica? nasagot ko: para makita ko ang kagandahan niya. (hahaha)
nagkaroon kaming tatlo ng mga medyo malalim na usapan. mga existential stuff at mga bagay-bagay na nakita ko ang sarili ko na kasama ang mga halos kagaya nina carlos, pb, bugie, yot, dandi, atbp.
dumating uli si jude bago mag-six at nagpunta na kaming anim sa sj kung saan ang quiz nila. bale hinatid namina ni jude silang apat. close na raw kami ni jude. habang naglalakad ay pinag-usapan din namin ang malate at ang mga kakilala niya. malamang, kakilala niya si noel. hehe. may nakakatawa at nakakahiya ring nangyari sa kanya. hehe. basta. nakakatawa pero hindi ko na kukwento dito. sa amin na lang iyon. hehe. (tama na ang hehe.) nakasalubong ko rin si tere sa aming paglalakad.
pinakamalayo ang room ni lica. may tine-text si jude at si lica ay papalayo papunta sa room niya. tinawag ko siya para magpaalam. pangalan lang niya ang aking binanggit. our non-verbal communication better even before.
umakyat ako sa malate office at nandoon sina bugie at pb at harris at roc atbp. pupunta silang starbucks. bumaba ako kasabay nila. nag-angelus tapos humiwalay ako sa kanila para magpunta sa prayer meeting ng sca. matagal na akong hindi nakadadalo. nandoon si jill pero nakalimutan kong sabihin sa kanyang, "next time you meet arun, tell him i plan to give him some ice cream." alam kong iba ang iisipin ni jill. it's jill for crying out loud.
hindi ko tinapos ang prayer meeting pero hinintay ko ang pagdating ni bro. ceci. as usual, astig sa insights. plano ko kasing dumaan sa starbucks.
"What could have happened..."
naglakad ako at makakasabay ko si lica sa paglakad papuntang starbucks. may kaunting usapan tungkol sa quiz at kung saan ako pupunta. malalaman ko na susunduin pala siya ng mga magulang niya at sa starbucks sila magkikita. mapupunta sa usapan si jude kasi mga kaibigan ko sa malate ang pupuntahan ko. pagdating sa starbucks, papasok siya at hahanapin ko sa labas (bulag ako, e) sina pb.
"What really happened..."
kasama ko sa mesa sina pb, bugie, jewel at harris. halos kararating ko lang. nandoon kami sa mesa pinakamalapit sa vito cruz at ako'y nakaharap sa kabilang dulo ng starbucks. nakita ko si lica at may kausap sa cellphone. sinuntok-suntok ko muna si bugie habang tinatanong kung anong ginagawa niya (ni lica) doon at pagkatapos ay tumayo ako at nagmamadaling nagpunta sa kanya. katunayan ay nadulas pa ako pero hindi halata--magaling ako, e.
tatay pala niya ang kausap niya sa cellphone at paglingon ko sa loob, nakita ko ang tatay niya. (i expect reactions from the reader.) bumalik ako sa mesa namin habang papasok siya sa starbucks. maya-maya, nakita ko nandoon din ang nanay niya.
umalis na sila at umuwi ako nang medyo hindi na nangangatog ang tuhod ko. buti na lang may blu skies at hindi ako bumili ng kape o marunong mag-yosi ayon na rin kay pb.
pauwi, habang nakasakay sa jeep, sinabi ko sa sarili ko na magpapakabait ako para gantimpalaan ng angel ko.
1 comment:
ice cream?
Post a Comment