maaga akong nagising dahil sa alarm at dahil sa hindi ko trip na panaginip. hindi ko trip kaya hindi ko na ikukuwento para mas hindi ko maalala balang araw kapag binasa kong muli ang entry na ito.
bago natulog, pc ang kaharap ko. pagkagising, balik sa pc. adik. hehe.
sabog ang freewebs pero natapos ko ring i-upload ang mga inayos kong mga page ng pangalawa.
oo nga pala, isa pang dahilan kung bakit ako gumising nang maaga ay ang medical checkup something. may ganoon sa kabilang parokya ng fatima. (next week ang sa amin pero doon kami para mas kaunti ang tao.)
pangalawang beses ko pa lang nakunan ng dugo. hindi ko trip iyon. hindi ko itinatanggi na takot ako at nahirapan akong gamitin ang psychological anaesthesia ko. buti na lang nagawa ko nang kaunti. nanghina pa rin ako kahit papaano. buti na lang nauna si ate na mas takot at unang beses. mabait din ang nurse.
nang maturukan na ako at sinimulan nang kunan ng dugo, hindi ako nakatingin. dahil medyo takot ako sa sarili kong dugo (takot ako kapag marami tapos dahan-dahang lumalabas), tiningnan ko. hehe. face your fears. ang saya! ang bagal ng paglabas ng dugo ko. siguro kasi kinabahan na ako. ewan ko lang. sabi nurse, "ang bigat ng dugo mo." ewan ko kung ano ngayon kung mabigat.
kasama nga pala sa medical something ang urine test kaya may dala kaming sample nina mama at ate. hehe. astig siguro kung may magulang na doktor tapos anak na mahilig sa photography. go figure.
No comments:
Post a Comment