Tuesday, July 13, 2004

gobyerno, terorista, at iba pa

ayon sa balita, aatras na ang tropang pinoy sa iraq para pawalan ng mga terorista ang hostage na si angelo delacruz. nag-isip rin ang malacaƱang. tama ang magtiwala sa mga terorista na susunod sila sa usapan--hindi naman kasi sila mga pulitiko. (naks, social commentary.)




badtrip rin `yang my sassy girl. masama (kung masama nga) ang dulot sa akin. hinanap ko tuloy siya. katunayan, hindi iniiwasan ko si lica dahil baka hindi ko makita sa kanya ang hinahanap ko at natatakot ako na ganoon nga. kagabi rin, bukod sa dahilang nagmamadali ako, sumakay ako sa lrt pauwi, umaasa.




alam ni jewel ang isang bagay tungkol sa akin (o mas akma sigurong sabihing "sa amin"). hindi na raw kami natuto. ewan.

nalinaw na rin kina bugie at dandi ang hindi nila naintindihan. ang tanging masasabi ko tungkol doon dito sa blog na ito ay nakalulungkot na inisip nila iyon. kaunting "respeto" naman sa aking paninindigan. hindi ako ganoon kahina. pero ok lang. nakakatawa naman sila. sorry, pero natatawa ako sa inyo, e.

50 araw na lang bago mag-MOS at nakita namin ni reggie si dek kanina. nagsimula na rin ang search for malate hottie.




hindi maganda ang simula ng araw ko pero maunawain ang nanay ko. sana maalala ko at magawang humingi ng tawad. pero para kasing wala-wala lang sa amin ang ganoon pero iba pa rin kung may paghingi ng paumanhin. ano ba'ng nangyari, late akong gumising. big deal kaya sa akin `yun kahit na lagi na lang.




may internet card na uli ako pero astig talaga ang e-mail posting ng blogger.

(okey, medyo ilang libong beses na bang tumutugtog sa winamp ang Canon ni Pachelbel? hehe. kaadik `yung my sassy girl.)

1 comment:

stani said...

kasama ba ako sa "amin" na yan? tapos na ang digmaan...