Sunday, September 25, 2011

tuna hotdog

nakapagpagupit na ako sa wakas.

medyo nahuli sa usapan pero ayos lang. matapos ang halos isang taon, at maraming naipong ketchup, natupad din ang best friend date.

starbucks at maraming lakad sa sm manila; bili ng halaman laban sa zombie habang naghahanap ng beanbag at polo; simba sa Espiritu Santo, tayuman; bili ng tuna hotdog at sliced cheese habang naghahanap ng polo; kenny roger’s, uwi. panalo. ka-miss.

nabigay ko na rin ang mga regalong matagal natago. pag-uwi, hindi pala tumagal ng isang minuto ang laruan. tinapon at tinawanan. panalo. ang sarap, napatawa ko si sean.

pag-uwi, naghapunan ako kasama ng aking mga magulang. hindi ko naabutan ang kapatid ko sa bahay pero nasarapan ako sa dala niyang carbonara.

lunes, laban na uli. dapat sapat na ang pahinga at pagpapalakas.

No comments: