Tuesday, September 27, 2011

the flash

mahangin. maulan. bumabagyo. gumising ako at maraming nagtanong sa akin kung may pasok at kung papasok ako.

pumasok ako. na-intimidate ako ng hangin at nagbabadyang pagbuhos uli ng ulan kaya nag-jeep ako. kung hindi ako nag-jeep, medyo ok na training na rin sana yun. pero bumuhos nang malakas at buti nga nag-jeep ako.

pagdating sa opisina, wala nang pasok. naka-generator na lang pala. bago mag-ika-10 ng umaga, wala nang kuryente. nasira ata yung alternator. ewan. bago mamatay ang kuryente, nabigay ko kay ailene ang panlaban sa zombies at may bago silang dekorasyon sa cubicle nila ni linette.

napilitang umuwi kaming mga pumasok. inubos ko muna ang kinakain kong tinapay at iniinom na milo. nagbaon kasi ako ng tig-two na tuna hotdog sa two na hotdog bun. hindi kami makagimik kasi mga east metro people sila at taga-south si ailene.

paglalakad papuntang pasong tamo, nakayuko ako. may tumbang sign na nakalagay, slow down. may langis din sa daan. hindi ko maisipan ng kanta. maganda pero sobrang kulang pa yung eksensa.

nag-jeep uli ako at hinangin ang cap ko pagbaba. nakuha ko pa naman sa tapat ng yulo plaza dahil walang sasakyangsasagasa.

home sweet home, walang kuryente. nakaidlip at nakapananghalian kami. malakas pa rin ang hangin at ulan. pagkakain, nagpaload ako ng alltext 20 sa sexy store pero alltext 10 ang dinig, naload, at binayaran ko. ok lang.

tambay sa terrace at sa kwarto dahil mahina ang signal. nagka-kuryente na pero wala pa ring telepono at internet. resulta: tulog. pagkagising ko, binuksan ko ang modem at facebook at twitter agad sa selepono ko.

pahinga. sa kabila ng pinsala sa labas, maswerte ang ilan na ang mga araw na ito ay panahon para makapagpahinga.

sakto, bago matapos ang pagta-type ko nito, kakain na raw kami.

No comments: