Thursday, September 15, 2011

stress and deflection

ang dami ng kailangang gawin sa opisina. ang dami. ang dami. haha. nakakalula pero kahit papaano, dahil napapaligiran ako ng mga maaasahan at umaasa sa akin, kahit sumasablay kami sa mga deadline at sa diskarte, hindi nakakawala ng pag-asa.

kauuwi ko lang, katatapos mag-hapunan. masarap ang macaroni na hinanda ni mama kahit bitin ang sauce. sa kawali na ako kumain habang nakipagkwentuhan kay mama. nagpasundo na naman ako sa kanila ni papa para mapilitan akong umuwi.

sa email, nagtawag si venjo ng l4d2 and september bidets party sa sabado. dapat dapat makadalo.

No comments: