kaya pala maraming naka-blue, birthday nga pala ni Mama Mary. sa totoo lang, hindi mabuti ang simula ng araw ko. pagpatak pa lang ng alas-dos� ng hatinggabi, alam kong hindi na ok kasi hindi ako makatulog. malamang dahil sa kape. tapos late ako nagising at tanghali na nakapasok. at hindi ko pa nagamit ang oras na gising para sa kapaki-pakinabang na mga bagay. STAAD�
spoiled ata talaga ako kay Mama Mary. at actually, sa nanay ko rin. kanina, habang nagsisimba, naisip ko kung gaano ko nakikita sa nanay ko ang mahal na ina. kahit sasablay-sablay ako, tulad ngayong araw na wala atang mabuting napala sa opisina, �kinukunsinti� pa rin at binibigyan ng pag-asa. pareho sila.
salamat po. Happy Birthday Mama Mary.
No comments:
Post a Comment