Saturday, September 24, 2011

paturo kay naruto

medyo nag-backfire ang pagnood ko ng 300 para sa motivation dahil late ako nakatulog. napanood din kasi ako ng 1st 2 ep. ng bagong season ng the big bang theory. ayos. may mga aantabayanan na naman ako. pero hindi anime ngayon. big bang at himym.

ok, hindi matindi ang pagsugod na gagawin namin. o mas may panahon lang para makatapos. may oras pa para magpahinga. at magplano.

mas may feel na ako ng suporta ni sir manny. mukhang makabuluhan naman ang meeting namin nina sir manny, danilo at david sze kasama sina jonas, arianne at daryl. sa lunes, balik sa trabaho at kailangang tumungo sa tagumpay.

bukas, dapat gumising nang maaga. may mga balak gawin kasama ang tila masaya namang best.

ngayon, +1 party sana namin nina dogi, venjo, atbp. pero wala akong +1 at ako lang ang nagreply kaya postponed to next week. good luck. hindi rin ako natuloy sa shock and awe. pagod. hindi rin ako makakalakwatsa nang maayos. pag gumanda na talaga nang todo ang takbo ng trabaho, at sana ngayon papasok na linggo mangyari yun, maglalakwatsa ako nang todo. pero syempre, sa katanggap-tanggap na antas ayon sa aking pitaka.

No comments: