Friday, September 02, 2011

5-day work week

tutal, pumasok ako nung lunes at medyo nasulit ko ang holiday nung martes, ayos lang naman sigurong pumasok bukas para 5-day work week. maganda ang takbo ng trabaho sa opisina para sa shangrila nitong nagdaang linggo salamat sa tulong ni danilo. para sa rodriguez, ewan. haha.

natapos ang agosto, hindi ko nagawa ang balak kong makatapos ng kanta. ngayong setyembre, isasama ko yun sa goal na matapos ang intake structure at makaluwag sa shangri-la. hmm… may kinalaman pala sa trabaho yun. di bale. kung magagawa naman yun, ibig-sabihin, mas maraming magagawa sa labas ng trabaho. ah, alam ko na. dapat, bukod sa bagong mga kanta na dapat nung nakaraang buwan, dapat matapos ko ang isa man lang sa dalawang nakatokang gundam. at yung nakatokang super happy birthday.

fast forward, sa susunod na buwan, 16.8km sa adidas kotr. at oo nga pala, dapat makabalik na ako sa training sa martes. mahigit isang buwan ang “pahinga” ko.

No comments: