may 8.9 magnitude na lindol na tumama sa japan kanina. tila mas mapaminsala ang [mga] sumunod na tsunami. nakakatakot din ang mga tsunami warning kasi may warning nga, ano naman ang magagawa? medyo kampante ako na malayo-layo kami sa dagat pero kahit na. paano yung mga nasa danger regions?
mas gusto ko tuloy mas maintindihan ang mga ganung bagay tutal, sakop ng propesyon ko ang mga lindol. gusto kong mas mapanatag ang mga tao na may mga kinatatakutang hindi naman siguro dapat katakutan. gusto kong mas mapaintindi sa kanila ang mga maaaring mangyari, yung hindi naman talaga posible, at yung mga hindi maiiwasan. parang ok din na natatakot mga tao. napapadasal tuloy. sana lang, mas taimtim at mas totoo ang pagdarasal ng mga tao.
last day ko kanina bago magbakasyon� bukas pala. medyo magaan yung meeting sa site at sa arup office pero may kabigatan pa rin ang mga kailangang gawin. kaya to. bukas nang hapon, makukuha ko na yung pc. excited. medyo bunga rin yun ng mga overtime. sana maraming magawa doon na produktibo.
trivia for today: yung area dito, nasa 6.8 magnitude ang pinakamalakas na maaaring maging lindol. mas mababa sa 7.2 design eq. gusto kong mas matutunan mga ito. hmm.. bumagsak nga ba ako sa earquak nung college?
No comments:
Post a Comment