kanina, pagpasok ko sa kumpisalan, tinanong ako ng pari kung nagsisimba ako dun sa Misang kasalukuyang nagaganap. sabi niya, pagkatapos na lang. ayun, pagkatapos, nakapangumpisal na rin.
disappointing, tinamad ako nung umaga at nagbagal pa, dapat 12:15 ako nagsimba. 4:40 na ako nakasimba at anticipated Mass na. pero ayun, nakapagsimba naman at naapangumpisal na rin. iyon ang mga na-achieve ko ngayong araw na ito.
dumaan na rin ako sa pc express noong pauwi para humingi ng quotation para sa pc. mahal. umabot ng 30,380. naghahanap ako ngayon ng mas murang parts sa site nila. sana mapababa ko pa.
kumain ako ng tacos pagdating at hindi na nakapagdinner kasi busog. pero pagkadasal at pagkatapos ng maalalaala mo kaya (na nahulaan kong �TV� ang pamagat ng episode ngayon dahil napanood ko sa pagkaka-stuck na naman sa sofa), kinain ko ang tirang pizza at bibingka. ang aral ng palabas kanina: pagpapakumbaba.
status ng mga kailangang tapusin: walang pang progress. pace up dapat. bukas, sunday, maraming kailangang ma-achieve. dapat masimulan ang lunes na mas maluwag ang pakiramdam.
No comments:
Post a Comment