Thursday, March 17, 2011

apat ba dapat?

tumatakas ako sa mga problema pero hindi dapat. parang ang yabang ko pa minsan magsalita pero ako mismo, nagtatago sa problema imbis na lutasin.

hindi kagadahan ang pang-apat na araw ng leave ko. malas? sa mga chinese, yung bilang na 4, katunog ng katumbas na salita ng kamatayan. kumbaga sa western world, malas ang number 13, sa chinese, 4 ang iniiwasan. pero oo nga naman, 1+3=4.

pero hindi, dapat hindi ganoon. ako, isang katoliko, hawak ko ang buhay ko. kahit ano pang pag-uugnay ng mga bagay-bagay sa mga numero o kung anuman, ang punu�t dulo at masusunod ay ang aking pagpapasiya. nagkakamali, dapat bumangon. ganoon naman talaga. may kahinaan man ang tao, may lakas din ito.

medyo may mga naligpit ako sa kwarto ko at nakapagpagupit ako ng buhok. may kaunting aliwalas ngunit maliit kumpara sa mga kailangan ko pang ayusin sa buhay ko. sige lang, ituloy lang.

No comments: