tatlong kopya ang binigay kong sulat kalakip ng request for leave. kinabahan ang boss ko. hindi niya alam, panakot pa lang yung sakin.
mga nagawa ko ngayong araw, makapag-file ng leave, beam and column sections database, at makabili ng side cutters.
napagpasiyahan ko na rin na hindi ko na bibilhin ang lalabas na mg shelong, sandrock, at heavy arms. mas maganda kasi yung re-release ng wing gundam (sa kamay at action base adapter) at kung nagkataon, out of place yung ver. ka na meron na ako pati sa kulay. nakahanap ako ng dahilan para hindi gumastos ng karagdagang mahigit-kumulang 6.9k sa mga gundam.
nung isang gabi, binili ko sa ebay yung eva provisional unit-05. medyo magulo lang. sana maayos ko. 140pesos din yung nadagdag dahil sa shipping e pwede ko namang pick-up na lang.
medyo bitin pa rin ang araw ko ngayon, pero may mga dapat ipagpasalamat. ituloy na lang na pagbutihin pa ang mga darating na araw. 1st friday bukas. may mga dapat gawin.
No comments:
Post a Comment