hindi ako sumama kina ate sa ek kanina. hindi ko pa maramdaman na kaya kong mag-enjoy. medyo maingay (ewan ko kung tolerable o nasanay na o may mas maingay lang talaga dati) dito kanina kasi may bday sa tapat.
masyado ata akong nabababad sa harap ng pc na walang napapala. naghihintay pa rin na maging mas maganda ang mga bagay. hindi ko maintindihan bakit hindi ako makakilos.
ang mga naayos ko ngayong araw na ito: yung pwesto ng revoltech sa ibabaw ng pc, at ngayon-ngayon lang, yung tiers ng mga ferrari. mas effective nga yung mga bilog galing sa tissue bilang poste. idea. hindi na kailangan ng kahoy. next week siguro. pero mag-iipon pa ako ng mga cylinder.
napakarami ko pang kailangang gawin pero hindi ako gumagalaw. kailangan ko ng push at ng drive. kailangan ng tutulak at ng tao sa manibela. kailangan siguro ng baterya. jumpstart. jumpstart.
No comments:
Post a Comment