parang ang bigat ng dala ko. kinakabahan ako. di. kaya to. kaya to. malaking balde ng tubig? malalaking balde ng tubig?
miyerkules ng abo. simula na ng paghahanda. sa totoo lang, hindi ko alam kung anong special na magagawa ko sa susunod na 40 days (and after).
excited ako para sa friday ng gabi dahil iyon supposedly ang simula ng aking bakasyon. katunayan, kagabi, hindi ako mapakali dahil sa specs ng pc na napapalitan ko na rin naman kanina. apparently, tama pala si erwin dun sa recommended board niya. sa sabado, makuuha ko na. at marami ring ibang gagawin na nasa labas ng trabaho. �bakasyon.� sana masarap nga ang bakasyon na iyon. sa kasalukyan, lamang na lamang pa rin ang mga kailangang gawin sa mga natapos na. 2 days? hyper mode siguro. kung iisipin, parang ang konti ng nagawa ko kanina. dapat ma-budget ang oras bukas.
kaninang pagdating ng bahay, dalawang pack ng skyflakes na may cheeze whiz, tapos tulog sa sala. ginising lang para mag-rosaryo. buti napilit akong gumising. kung yun na nga lang, hindi ko pa magawa, paano pa kaya ang iba? ang pagdadasal at pananampalataya, hindi talaga masukat kung gaano kadali at kahirap.
ha! naalala ko bigla si harris at ang malate (dahil din siguro sa group message thread ni adrian sa facebook.) �manalig!�
sabi kanina, repent and believe in the gospel. (actually, hindi ko maalala kung yun nga yung sinabi kanina. pero yun yung natanim na sa puso at isip ko tuwing ash wednesday.) tama, dapat sundin ang biling iyon.