Monday, January 10, 2011

you can�t win `em all

tatlong race sa nfs world ngayong gabi, sa pangatlo natalo. kung tutuusin, hindi kagandahan yung pangalawang panalo although on the defense naman ako noong may nangyaring collision. tapos too good to be true pala talaga yung early lead sa first lap nung pangatlo.

lazy monday sa trabaho. may bagyong darating kung hindi ko mapipigilan. ako rin naman ang nag-contribute sa paggawa ng calm before the storm.

nabanggit ko ngayong gabi na tila tumigil ang mundo ko. hindi ko pa rin napapagalaw. tinatamad ata ako. tinatamad nga.

quote of the day: ako a2 22 na? Kasi kahapon 23 e.. Hahaha! :p

kung tutuusin, ako, hindi ako naging conscious sa kung ilang taon ako. pero kapag nakakahagilap ng matagal nang kaibigan, masarap bumalik. masarap sigurong bumata uli kung kasama nun ay ang pagbalik ng mga masayang nagdaan.

araw-araw, hinihintay ko ang sarili kong tumulak pa. hindi na pwedeng bumalik. hindi rin sapat na nakatigil lang. ewan. pero sabi nga, kaya yan!

No comments: