di ko mapaliwanag yung kakulangan ng saya sa isa sa pinakamasayang araw dapat ng taon.
hindi naman siguro ganoon kasama pero hindi rin naman kasi ganoon kasaya na ma-break yung nakasanayan ko na iyong mga pinakamahalaga lang sa akin ang nakakaalam ng isa sa pinakamasayang araw ko sa taon. mas masarap kasi ang sayang dulot.
sa trabaho, hindi pa rin mawala yung problema. parang nadaragdagan lang o ganun na nga talaga kalaki at karami. hindi rin makakaila ang natitirang sakit at lungkot. walang pambawi.
pero masaya pa rin naman. masarap at nakakabusog ang pagkain at kwentuhan. nakakaaliw din na kahit kulang, naiintindihan naman at nasasakto pa ngang anim kaming magkakabarkada. di rin mawawala ang sarap na makasama ang pamilya.
oo, sige, hindi siguro ito ang pinakamasaya. sana nga hindi ito dahil sana may mga mas masayang lalo kaysa ngayon. pero hindi naman naalis ang saya. isa iyon sa maraming dapat ipagpasalamat sa Kanya.
No comments:
Post a Comment