kaninang tanghali, nakatulog ako at pagkagising ko, pagod ako. hindi ko maalala yung panaginip ko pero nakakapagod at tila medyo mabigat sa kalooban. nung hapon, natulog uli ako at pagkagising, naalala ko naman nang konti yung napanaginipan ko. nakakapagod at may lungkot din.
naisip ko, sabado nga pala ako pinanganak. sabi ko nga noon kina cara at sunny, ang birthday ko ay january saturday. ngayon, hindi ko ma-enjoy ang sabado. kulang na ako sa willpower para gawin ang mga dapat. tapos todo stress pa galing sa trabaho.
isang pangarap, sana ma-enjoy ko uli ang mga sabado. hindi lang isang sabadong masaya kundi mga sabadong masaya. next week kaya, pwede nang magsimula?
No comments:
Post a Comment