madaling-araw na ako nakatulog sa paggawa ng wallpaper at pag-backtrack sa mga band activities. pampaalis ng isip sa ilang bagay. although sana sa mas kapaki-pakinabang na paraan ko na lang ginamit ang oras ko. parang ngayon. hehe.
nagdala ako ng cake�tirang cheesecake nung nakaraang ubos pagkain night noong at wedding cake nung sabado�sa office. marami namang natuwa.
walang signal ang sun noong umaga. may mga hindi rin ako sinagot na tawag sa globe noong umaga at hapon. nitong gabi, naubusan pala ako ng load sa smart dahil hindi ko naalalang expired na ang unli at naubos ko ang 40+ pesos at 30+ free texts mula kahapon ng hapon.
rodic�s lunch and dinner pero kumain pa rin ako ng pasta dito sa bahay kanina bago magrosaryo. gutom, e.
kung titingnan, parang petiks. siguro hindi naaayon sa bigat at hirap ng problema na kaharap ko sa mga staad model ko. mahigit kalahating taon na palang problema ito. bukas, sana malaking tulong na naman para malutas. at sana pinakamalaking tulong na para makain ang ayaw maubos at matapos na problema. gusto kong mag-enjoy sa huwebes.
--------------------
sumalangit nawa ang kaluluwa ng mga namatay sa pagsabog kanina ng isang bus sa edsa. sana mabigyang hustisya ang mga biktima at hindi na magkaroon ng dahilan para maulit pa ang ganitong pangyayari.
No comments:
Post a Comment