late gumising, late sa party na nagstart din naman nang late. sibat maaga para umabot sa family movie time. yes, umabot!
nakaka-miss din yung mrt trips. medyo. narealize ko, medyo maganda ang pakiramdam pag naaalala yung papuntang north ave pero yung pauwi, hindi.
hindi sana ako sasama sa merienda sa dad�s pero dahil maaga pa para sa Misa sa greenbelt, bumalik ako at sinamahan ang mga magulang at kapatid ko. ok rin, pero hindi pa rin talaga ako matuwa sa lugar.
memories, not so good ones. maaaring magpatawad, pero parang sugat, kahit hindi mo na isipin kung anong dahilan, hangga�t hindi gumagaling, humahapdi.
siguro ang weird at random ngayong araw na ito, nakasalubong ko si thad papuntang sm makati. na-ninja ako, tinawag pangalan ko. napansin ko na lang nung lumampas na. tapos nakita ko uli sa sm.
may pasok na uli bukas. hindi ko pa rin matanggap. hahaha.
No comments:
Post a Comment