Thursday, January 06, 2005

am i going to blog my daily life?

okey, hindi na-post nung pinost ko via email. sayang naman kaya eto:

Wed, 5 Jan 2005 19:16:31

ewan. bahala na. pero mukhang astig. since instinctual (pero talaga, ang hina ng english ko. may salita bang ganun?) ang pagbukas ko ng pc pero wala naman akong gagawing mahalaga, dalawa lang ang pwede kong gawin nang constant - mag-check ng email at mag-blog. i'm looking at doing routines this new year, this new term and this new age... hehe. malapit na ang bday ko.

sabi nila, wala naman talagang panahon para magbago o mag-ayos ng magulong buhay. pero maganda rin naman ang may trigger. pwede nating tingnan ito bilang isang random thing.

regarding my day, masama ang simula. kung titingnan, medyo kaninang madaling araw ang nakaraang blog entry. dahil sa sakit ng katawan paggising nang 6:09 am (sakto yan kasi may dalawa akong alarm na saktong 6:09 tapos isa, medyo 6:09) at nang mga 8:00 am, 9:30 na ako bumangon. kailangan. medyo 9:20 ang pasok ko. hindi na ako nakapasok sa first class ko.

kaklase ko si ray sa hubehor at sa relstri. parehong sa mm23 at medyo takot nga ako sa ilaw. bago mag-lunch, pinabigay muna ni odessa ang imbitasyon ni pearl para sa sabado.

(tila hindi na ako nakakakakita ng mga tao. ako ang nakita ni odessa at maya-maya, ako ang nakita nina lica at patrick nung hinahanap ko sila.)

lunch sa gp kasama nina ray, rose, dandi, pb, ato at reggie. pero kami lang ni ray ang nag-hati sa sisig kasi kumain na sila.

boring ang soromla tapos nag-a-adjust pa si lica kaya lonely ako. pagkatapos ng klase hinanap ko sina lica at patrick pero ako ang nakita nila. nagkasalisi pa kami nang ilang beses kasi hindi ako sanay na nakatigil lang.

dahil medyo nililimitahan ko ang pagtanaw ko sa paligid ngayon, napansin ko na wala pala akong nakitang sign of hope - 69 sa plaka ng sasakyan o sa kahit ano. noong naglalakad ako at nag-iisip tungkol sa ilang moral issues, sa last leg ng aking lakad pauwi, may sasakyang lumiko sa kanto at may 69 sa plaka. astig.

habang pauwi, namroblema na naman ako dahil wala pa ang regalo ko para kina cara at sunny. mahal kasi, e. may bago akong trip. nag-palit ako sa kwarto ko nang nakapatay ang ilaw para tipid sa kuryente at iwas sa ilaw. may napansin akong supot at astig! binuksan ko ang ilaw at ang laman ng supot ay tatlo nung items na balak kong iregalo sa aking comrades. apparently (teka, natawa ako sa apparently. isa sa mga paborito kong salita yan sa mga reaction paper), binili ng mama ko sa halagang P100.00 tatlo nung nagpunta siya kanina sa baclaran. i love my mom.

bukas ang feast ng three kings dati (kasi ngayon, every 1st sunday after new year na) kaya sakto, bukas ko ibibigay ang regalo ko kina cara at sunny at kay lica (iba sa regalo ko kina wolf at sun). a note: hindi ako talaga nagreregalo. kataon lang, sinabi ko sa kanilang dalawa, reregaluhan ko sila tapos may naisip pa akong astig na symbolism sa regalo. pero parang gusto kong magregalo sa bday ko. bahala na.

3 comments:

Anonymous said...

Buy Generic Drugs Online. Get Cheap Medication online. Buy Pills Central.
[url=http://buypillscentral.com/about_en-us.htm]Discount Viagra, Cialis, Levitra, Tamiflu Pharmacy without prescription[/url]. canadian generic pills. Discount medications pharmacy

Anonymous said...

At our purchase you can reveal various medication and of programme naturally such lay Discount Viagra Pharmacy On-line the same – At Generic Cialis pharmacy.

Anonymous said...

Many thanks.