noong friday...
hindi ako pumasok sa engecon para maghanda para sa 2nd deliberation para sa unang issue na ilalabas ng malate. sa apat na kwento, dalawa ang may kinabukasan sa issue. gagawa rin dapat ako ng assignment para sa struct1. wala sa dalawa ang nagawa ko.
kumain ako ng tanghalian kasama ni reggie at ray. dumaan muna kami sa starbucks kung saan nandoon sina magsy. matipid kami sa tanghalian kasi sa 2600 kami kumakain. napagplanuhan din ang pagbaon ng de lata para mas tipid. pabalik, diagonal ang amin pagtawid sa intersection.
struct1, gumawa ako ng assignment at seatwork na in-assign ni mr. manalo kasi hindi raw siya darating. isa-isang natapos ang mga kaklase namin at naiwan kami ni lica sa classroom. noong napansin ko na masyadong malamig ang hangin mula sa aircon, may pumasok na mga mag-aayos ng aircon. dumating si sheila at pagkatapos naming dalhin sa department ang mga papel, umakyat kami sa v501 kung saan mag-isa si dr. chan. nagklase pa rin kami. dumating si jeff kaya apat kami.
sinamahan ko muna sina lica at sheila sa mm. may 20 minutes pa silang klase dahil 4:00 pa ang suspension. louie ang pangalan nung kaklase nilang pinakilala ni lica noong monday. kakilala yata ni ray.
nagsimula ang eb meeting at natapos. may pakain dahil nanalo ang lasalle sa uaap at naabutan namin ang para sa sps. sa katunayan, nalampasan na namin ni cara ang bro connon seminar room pero narinig kong may tumawag sa akin. hindi nga raw narinig ni cara.
kahapon, sabado...
nangumpisal na naman ako. habit na yata ito sa akin na halos buwan-buwan ay nangungumpisal ako. pero iba. iba ang inaasahan kong pagbabago ngayon, e. hindi lang kasi ako ang umaasa ngayon at may iba pa akong pinaasa nga.
maaga-aga akong umakyat para matulog. sabado pa nga, sa totoo lang.
linggo, ngayon, mamaya...
galing si papa sa bacolod. balang araw talaga, babalik ako doon sa negros--lugar kung saan una kong nadama ang pagbabago.
iba ang pakiramdam ko. parang kaya ko nang magsulat uli. parang gusto ko nang magsulat uli. hindi pala. alisin natin ang "parang".
kinakabahan ako sa pagdating ng bukas. nasasabik ako sa darating na bukas.
No comments:
Post a Comment