oo, may mga hindi magandang maaaring maalala pero maaari namang piliin kung ano ang itatago.
ang mga nais kong maalala sa araw na ito ay ang pag-asembol ko ng bolpen habang naglalakad patungong estasyon ng buendia patakas sa trapik kahit na nasayang na ang P5.50 ko; ang kumpirmasyon ng pagkakatanggap ng "kasalo" sa malate writers' workshop; ang astig na pagtugtog ng isang banda ng mga classic noong u-break sa isang santugon thing kasama sina rose at loi; ang pagbigay ko kay odessa ng mga photo ko; at ang paghatid ko kay lica.
oo nga pala, kanina ko nilagay sa locker ko ang isang kuha ni lica kapalit ng picture ko na binigay ko kay odessa para sa debut niya.
ang gusto kong maalala tungkol sa kahapon ay ang pagkuha ko ng retrato ni lica (dalawang shots. kahit na hindi ganoon kaganda ang kuha, maganda naman ang kinuhanan.); ang pagpapadevelop ko at 25/24 ang successful at improving ang aking paggamit ng slr.
oo nga pala, ang word of the day ngayon ay pre-yema.
ang quote of the day naman ay "kailangang uminit para humaba." -noel soller
pumapangalawa ang "...strike a post..." na caption sa isang picture ni cai at isa pang tao mula sa rice mag.
keso of the day, "kasama ko ang babaing minahal ko nang panghabang-buhay at ang babaing mamahalin ko nang panghabang-buhay."
code line of the day, "hinintay ko ang prinsessa at hinatid ang angel."
we should know how life can be treated happily while we're young and free. isa iyan sa mga driving force ng buhay ko.
No comments:
Post a Comment