Saturday, October 30, 2004

maraming horizontal line break

(october 28 ng gabi)

napaisip ako ni sheila ngayon tungkol sa mabigat na pasiya. ngayon, mahinahon na ang isip at damdamin ko. ayoko pang tapusin ang sine. marami pang eksena bago ang sukdulan ng kwento ko. wala pa sa point of no return ang tauhang ako.




tuwang-tuwa at tawang-tawa kami ni rose dahil sa ideyang ito: hindi kumakain ng tao ang panda, bamboo lang. kung nathan ang iharap mo sa panda, hindi kakainin.




hindi ko kayang mag-research sa library. hindi pa kasi cramming ang ginagawa ko kaya niyaya ko sina rose at dandi na mag-videoke.




umuwi ako ng bahay, na barya na lang ang salapi. naglakad na lang ako mula tulay hanggang bahay, nag-iisip.




bday ni tita ngayon. ang sarap ng pagkain.




ang daming horizontal line break.




nakakaadik ang mga baboy sa www.orisinal.com




inaantok na ako. kailangan ko pang mag-cram bukas at gumastos para makapag-print. magastos ang cramming. kailangang magbagong buhay.

No comments: