Tuesday, October 12, 2004

mahigit isang linggong flashback

monday

nag-date si reggie at rose habang ako naman ay pumunta sa klase. maya-maya, tinipon ko sila sa engwalk. pupunta sana kami sa kung saan lumulubog ang araw pero umulan.

nakita kong palabas ng enggate si odessa. medyo matagal din kaming nag-usap sa labas ng dorm niya habang dumarating ang dalawang nag-date. pumasok na ako sa campus at tinanong kay lica kung may kaklase siyang odessa grace gonzaga. magkakaklase silang tatlo ni louie ang.

sina rose, reggie at cara ang tinawag ko para sa aking announcement. sila ang pinakamalapit sa akin sa aking staff. hindi lang dumating sina arun at miko kasi may quiz.

nagpunta kami sa greenplace at uminom sa pag-aanyaya ni ray. umalis ako nang 7:00 para sa eb meeting. late as ususal at sa huling pagkakataon (medyo).

nag-resign na ako. silence. drama--contained.

sa labas, nandoon sina cara at reggie at odessa.

tuesday

nothing amazing that i recall except that i had to go to z2 to buy maxx candies. nakita ko sa aking pagbaba si odessa at sasamahan ko sana sa klase pero may kasama na.

wednesday

sinabi ko na sa staff ang balita. ipinaubaya ko na sila (at ako)--ang prosa ng malate--kay aleck.

pinuntahan ko si odessa sa mm tapos sa hagdan kami nagkatagpo at nag-usap. bago matapos ang pag-uusap namin, dumarating si lica. lumiliit ang mundo ko. pagkatapos ng klase, tinanong ko kay odessa kung tuloy. naghiwalay kami at naisipan kong bumalik. nakasalubong ko sina lica at kasama niya si louie. alam ko ang apeliyedo niya (astig na source si anina) at nabatid niya na maliit ang mundo. "ginagawa kong maliit ang mundo."

nagpunta kami nina loi, ray, cara at reggie sa greenplace. nauna kaming umalis ni cara dahil manonood kami ng the classic sa condo niya. sinundo ko si odessa sa 7-11 pagkatapos siyang daanan ni cara nang hindi napapansin.

kasama namin si amor sa condo ni cara. pagkatapos ng sine, dahil apat kami, ang katotohanan ay natupad.

umalis na sina amor at matapos ang mga kalahating oras, umuwi na rin ako. hinahanap na ako ng nanay ko. nababadtrip na naman sa akin `yun.

nakita ko si ato sa starbucks at nakipaglaro sa akin ang tadhana. hindi kami magkakampi.

thursday

i-i-intercept dapat namin ni cara si odessa kaso si cara ang nakita. hindi namin siya nakumbinsing magresidency. ang cute ni odessa nung araw na `yun. (bakit, masama bang mag-comment nang ganito?)

bumalik kami ni cara sa office at pinatunayan na naman ni anina ang kanyang pagiging astig na source.

it was the day of pairs. noong pababa kami ni cara noong una, pair sina ray at anina tapos sina jonas at claire tapos kami. nagpunta kaming jollibee nina reggie, loi, carlo, vanessa, ray, yot at cara pagkatapos naming pag-usapan sa office ang kaibahan ng prose at poetry. salamat kay sir allan, may nasabi ako.

four corners na naman. cara night was good with rose, reggie, ray, jaja, arun and of course, cara. ngayon pala ang huling beses na late ako sa eb "meeting". videoke sa prov, room 26. nilibre ako ni JO ng san mig light at ginawa kong panulak sa cheeseburger na binili ko bilang hapunan. nandoon din sina aleck, dustin, aj, sunny, carlos at nopc. dumating si reggie pagkatapos ng cara night.

friday

medyo boring ang feild trip pero ok na rin. kasama ko kasi si blockmate noel. P48 ang nagastos namin sa tanghalian. sa aming dalawa na `yun at nakapag-socialize na rin kami sa mga taga-roon. sulit lalo sa bus nang may natira pa pala sa dala pala nina JV. nagrebolusyon tuloy ang tiyan ko.

wala akong load kaya hindi ako maka-text kay mama. tila kailangan kong tipirin.

maaga kaming dumating sa school. hinintay ko sina odessa at lica sa mm pero hindi pala pumasok si lica. disoriented ako. nakita ko si jude tapos naisip naming mag-seat-in sa rels nila sa lvr. hindi pala pwede.

nag-inuman ang mga greenplacers, reggie, jaja, dipon, ray, ron, rose, loi at chris. nandoon din sina tere at soyster.

nakakatuwa ang paghahanda para sa debut ni mica. nauna na sila (maramami-rami) at naiwana ako para hintayin sina arun at miko at makatipid ng P40. masaya kasi nakasama ko ang gox people na sina paco, renz, kimber, at rogi. nakilala ko pa ang maskot ng gox.

pagdating sa debut, kumain ako nang kaunti tapos tahimik lang ako halos. no spectacular thing for me. nanalo nga pala ako sa laro kasama nina ron, jaja, miko, at sunny. hindi ko pa kinakain ngayon ang garfeild lollipop.

lumindol. akala ko may tama ako kaso naalala ko na hindi pa pala ako umiinom.

para sa akin, ang pinaka-astig sa gabing iyon ay ang candilang sumisindi nang paulit-ulit. medyo naaliw din ako sa rap performance ng tito (yata) ni mica. sa kung anong dahilan, mas natripan ko pa ito kaysa sa isang number nina bugie tungkol sa pagkamatay.

saturday na yata

natapos ang selebrasyon at umuulan nang malakas. naglakad kami nina arun, reggie at cara papunta sa bahay ni arun. oo, sa ulan kami naglakad. naglaro na rin kami. hindi man kami magaling na retrieval agents ni cara, magaling naman kaming maghanap ng bahay. partida, ilang beses pa kaming naligaw.

natapos ang larong iyon nang nasa labas kami ni cara at tine-text ko si arun na nawawala kami.

hapon na kami nagising ni cara at nakaalis na si reggie. hinahanap na ako ng nanay ko. patay kasi `yung cellphone ko. pagkatapos naming mananghalian, umalis na kaming tatlo.

naglakad kami ni cara nang tumigil ang jeep. sumakay uli kami malapit-lapit bago mag-merville hanggang sa magallanes interchange. hinatid ko si cara hanggang mrt magallanes station. maganda ang view ng edsa sa taas, sa overpass. kung hindi lang ako nagmamadaling umuwi, tumigil muna sana ako roon.

nagsimba kami nina mama at adette at judith. inaantok ako sa misa. nakakahiya. nakakapagod ang nakaraang linngo.

sunday

ang kapuna-punang nangyari ay inayos (hindi nangangahulugang nilinis) ko ang kuwarto ko.

malapit ko nang mamemorya ang canon in d sa gitara.

monday

may test sa engecon mula 6-9. hindi ako pumasok dahil sa umaga kasi masakit ang ulo ko. pinagalitan ako ni mama at nagbigay ng mga dahilan kung bakit sumakit ang ulo ko. pero hindi kaya dahil umayos ang kwarto ko.

isinali sa ms eng si lica. isa ako sa hinihingan niya ng tulong para maalis siya.

masarap kausap si louie at siyempre, si odessa. nakapag-bonding din kami nang kaunti nina jude at louie.

pagkatapos ng quiz na nakakakulta ng utak (kahit hindi malinaw sa akin ang kahulugan ng kulta), kumain kami ni cara sa mcdo kasama si eli. dumating si reggie sa kaniyang bike dahil naiwan niya sa office ang smartTM hat niya.

huling beses ko nang tumakbo pauwi kagabi dahil sa mga tahol ng aso at pagbabawal ni mama.

bumili na si papa ng bagong phone.

tuesday

nagpunta si papa sa bacolod para sa summit nila. sa linggo ang uwi niya.

may dalawang bagay akong hindi ginawa ngayon: 1) kumuha ng baong pera, at 2) magsuklay.

hindi pala ako nakaakyat sa malate kahapon. halos walang tao sa office. ilang kapunapunang bagay:

* naiwan ni gem ang wallet niya. tinext ko siya at binalikan pagkaklase pero hindi niya kinuha.

* nagkasalisi si noel at reggie sa pagkuha ng kasama sa pagkain.

* hindi alam ni paolo na hindi na niya ako editor.

* may pina-photocopy akong pahina sa logbook para kay ray.

nagpaalam na ako sa eb sa logbook. dalawang kalahating pahina lang ang ginamit ko. hate long goodbyes.

anong naiba sa araw na ito sa nakaraang anim na school days at natulad sa maraming ibang araw na nagdaan? hindi ko nakita si odessa.

nagising ako nang mga 5 pasado. binalikan ko ang nakaraang siyam na araw.

________

notes to self:
* isulat ang tungkol sa pakikipaglaro ng tadhana kasama si ato.
* isulat ang tungkol sa hunting.

No comments: