Monday, October 18, 2004

nakangiti ang buwan

tila hindi ko pa makukwento ang mga kaastigan noong sabado. oh well.

sa mga beses na naglakad ako sa agno, sa may strc, napansin ko ang buwan. maganda ang buwan ngayon. sailormoon, sa terms namin ni cara; isang ngiti, gaya ng sabi ni bj sa isa niyang kwento. may dalawang hugis ang buwan kung kailan ako masaya.



kamukha ni cai si toni gonzaga kasi nagpa-rebond siya ng buhok plus the glasses. not to mention talaga namang maganda si cai. kasama naming kumain nina ray at reggie sina cai at cent. 'speaking' of reggie, back to normal. parang walang nangyaring kalasingan noong sabado. pero bakit ba kailangang gawing big deal ang ganoon two days after with the lesson learned? pointless. hindi sitya ang tipong senti sa ganoon at pinagmamalaki ko nakatulad ko siya.

ang katuwa-tuwa ay ang kwento ni ray. haha. enough 'said'. sabi nung oracle kanina, "procastinate". hindi niya sinabi sa akin ang tanong pero nagkakaintindihan kami. alam niyang alam ko.

"ako ang kapalaran" (wala lang. gusto ko lang 'sabihin'.)

naipasa ko ang topic sa cemetre pero minus ten. hanggang 90 na lang ang makukuha ko. umaasa na lang ako sa kabaitan ni dr. chan.

hindi nanood si lica ng eng unplugged kaya sa cemetre lang kami nagkita. wala rin kasi kaming struct1 kanina.

nangailangan ako ng pera (pero hindi ko rin pala kinailangan) kaya hinanap ko pa si noel (hindi naman talaga hinanap. tinext lang) para hingin ang isang daang pisong hiniram niya. nagkasalisi kami ni lica nang sinamahan siya ni jhude sa baliwag kasi uuwi na siya. kaya kami nagkasalisi ay dahil bumili ako ng maxx (pula, 3/P2). hehe.

nakita ko sina cara at sunny. nakita namin si odessa. hindi siya sigurado kung makakapanood siya ng eng unplugged. masipag na bata. kahanga-hanga.

sa agno, bumili ako ng maxx (3/P2, green naman ngayon). sa greenplace, nanlibre si ray pagkatapos manlibre ni rose. kumain ako ng bbq (P15) at hansel (2xP5). hindi ako mahilig magpalibre, e.

pumunta ako sa eng unplugged, P5.00 entrance. nakita ko si anina. bumalik pa ako sa gp para sa libre ni ray.

masarap ang balot (P10), at red horse extra strong ito ang tama (c/o ray).

bumalik ako sa eng unplugged. hindi ko nasimulan. nandun na sina louie, jhude, sheila at patrick. wala sina lica at odessa. naamoy ni louie na uminom ako.

mapintas ako. akala ni louie, dahil sa tama pero hindi ko itinanggi na may tama ako kasi gawain iyon ng lasing. sadyang mapanlait lang ako kapag gusto kong ako ang nasa stage.

nag-perform sina yonni at sure win. pagkauwi, nalaman kong nanalo nga sila. habang tumutugtog sila, naiisip ko ang mga balak kong may kinalaman sa pagtugtog.

hindi ko kasi tinapos ang program. umalis ako nang magtext si odessa na nasa tapa king siya. pinuntahan ko siya, nakasalubong at sinamahan hanggang sa labas ng dorm niya. "bubuhayin kita." naisipan kong bigyan siya ng maxx (green) kasi wala lang.

sumakay ako ng jeep at umuwi. sa evangelista-libertad na jeep, nakipagbiruan pa ang driver sa akin. pagsakay ko, "nandito na ang aarkila sa akin." tinanong pa ako kung saan kami. ako lang kasi ang pasahero. para tuoy taxi. espesyal daw ako kaya dapat daw, doble bayad ko. may sumakay namang iba nang malapit na kami sa simbahan. "buti na lang," balik biro ko sa kanya.

naglakad akong masaya papunta sa aking masayang tahanan kung saan gets na ni papa gamitin ang bago niyang T610 dahil naturuan na siya ni ate, at napaghanda ako ni mama ng gabihan.



sa pagtawid ko pagkatapos sabihan ang tsuper ng, "ingat po kayo," naalala ko na muntik nga pala akong sagasaan pagkatanong ko kay john kung saan ang tapa king at tumawid ako. patunay iyon ng kasiyahan ko.

No comments: