Saturday, October 30, 2004

maraming horizontal line break

(october 28 ng gabi)

napaisip ako ni sheila ngayon tungkol sa mabigat na pasiya. ngayon, mahinahon na ang isip at damdamin ko. ayoko pang tapusin ang sine. marami pang eksena bago ang sukdulan ng kwento ko. wala pa sa point of no return ang tauhang ako.




tuwang-tuwa at tawang-tawa kami ni rose dahil sa ideyang ito: hindi kumakain ng tao ang panda, bamboo lang. kung nathan ang iharap mo sa panda, hindi kakainin.




hindi ko kayang mag-research sa library. hindi pa kasi cramming ang ginagawa ko kaya niyaya ko sina rose at dandi na mag-videoke.




umuwi ako ng bahay, na barya na lang ang salapi. naglakad na lang ako mula tulay hanggang bahay, nag-iisip.




bday ni tita ngayon. ang sarap ng pagkain.




ang daming horizontal line break.




nakakaadik ang mga baboy sa www.orisinal.com




inaantok na ako. kailangan ko pang mag-cram bukas at gumastos para makapag-print. magastos ang cramming. kailangang magbagong buhay.

Thursday, October 28, 2004

alaala

oo, may mga hindi magandang maaaring maalala pero maaari namang piliin kung ano ang itatago.

ang mga nais kong maalala sa araw na ito ay ang pag-asembol ko ng bolpen habang naglalakad patungong estasyon ng buendia patakas sa trapik kahit na nasayang na ang P5.50 ko; ang kumpirmasyon ng pagkakatanggap ng "kasalo" sa malate writers' workshop; ang astig na pagtugtog ng isang banda ng mga classic noong u-break sa isang santugon thing kasama sina rose at loi; ang pagbigay ko kay odessa ng mga photo ko; at ang paghatid ko kay lica.

oo nga pala, kanina ko nilagay sa locker ko ang isang kuha ni lica kapalit ng picture ko na binigay ko kay odessa para sa debut niya.

ang gusto kong maalala tungkol sa kahapon ay ang pagkuha ko ng retrato ni lica (dalawang shots. kahit na hindi ganoon kaganda ang kuha, maganda naman ang kinuhanan.); ang pagpapadevelop ko at 25/24 ang successful at improving ang aking paggamit ng slr.

oo nga pala, ang word of the day ngayon ay pre-yema.

ang quote of the day naman ay "kailangang uminit para humaba." -noel soller

pumapangalawa ang "...strike a post..." na caption sa isang picture ni cai at isa pang tao mula sa rice mag.

keso of the day, "kasama ko ang babaing minahal ko nang panghabang-buhay at ang babaing mamahalin ko nang panghabang-buhay."

code line of the day, "hinintay ko ang prinsessa at hinatid ang angel."

we should know how life can be treated happily while we're young and free. isa iyan sa mga driving force ng buhay ko.

Tuesday, October 26, 2004

first name

The name Joseph creates the desire for harmony with others, but we point out that it causes a blunt expression that alienates others. This name, when combined with the last name, can frustrate happiness, contentment, and success, as well as cause health weaknesses in the fluid systems, and tension or accidents to the head.

The name of Joseph gives you the desire to meet and mix socially and to create congenial circumstances for everyone. However, all too often, you express yourself in a matter-of-fact or awkward way that results in your good intentions being misunderstood. If you are in sales work, you could do well because of your friendly personality, interest in people, and desire to please. You prefer situations that allow a degree of independence, but are not too demanding in work-load or responsibility.



Although the name Michael creates the urge to be reliable and responsible, we emphasize that it can cause a superior, interfering expression whose favorite expression is "I know" when not combined with a balanced last name. This name, when not combined with a balanced last name, can also frustrate happiness, contentment, and success, as well as cause health weaknesses through worry and mental tension.

Your name of Michael gives you a clever mind, good business judgment, a sense of responsibility, and an appreciation of the finer things of life. You are serious-minded and not inclined to make light of things even in little ways, and in your younger years you had more mature interests than others your age. Home and family mean a great deal to you and it is natural that you should desire the security of a peaceful, settled home environment where you can enjoy the companionship of family and friends. Whatever you set out to accomplish you do your very best to complete in accordance with what you consider to be right.



gaya ng sabi ni arun, medyo accurate nga pero kahit na ilagay ang pangalan ng ibang tao, malamang na maaaring ibagay rin sa sarili ang resulta.

kasalo

hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakatapos ng kwento kaya masaya ako kahapon. gusto ko nang mag-workshop.

Saturday, October 23, 2004

retro rules!

masarap manalo sa isang laro ng basketball sa spo cup kahit walang stats. masarap din palang maglaro na naka-old school - chuck taylor shoes, high socks, short shorts, tight shirt (pero hindi pa rin tight sa akin). 69-63. ang tanging astig na nagawa ko sa laro ay isang fancy pass. ok na rin. that's what i do. (at tila sa loob at labas ng court ko ginagawa iyon.)

may bonus pa, nanalo rin kami sa volleyball salamat kay jaja at sa import namin mula sa ang pahayagang plaridel.

hehe, last week, natalo kami pero panalo pa rin kasi debut ni rose kinagabihan. ngayon naman, nanalo kami at sina rose at loi ang tanging audience namin mula sa malate; hindi pa sila nagkasabay.

tama ngang sabihin na kinakarir ng malate ang costume parties--kahit hindi party. sa magagaling kong kakamping sina ray, reggie, johanns, jaja, fred at martin, at sa aming mga tagasuportang sina rose at loi at ang mga kaibigan ni loi, astig kayo.

Thursday, October 21, 2004

the world is actually a happy place

it quite sucks that i still ain't got an account on rose's debut last saturday. i got a simple word for the past few days of my life and those of my friends', though: fun.

20-october, for one, certain things (words, feelings, rules, i can't articulate really) ended and started in my relationship with my mother. i feel much better now. the trust and freedom i asked for and seemingly received feels quite uncomfortable now that i officially have it. [i don't feel good with my grammar in the past few sentences and i'm starting to hate my self for beginning this post in english. but anyways...] a great amount of pain i avoided to carry in my heart is now gone. now i really don't have to carry it.

haven't been online for a few days because of internet card expiration and an eventful real world.

i haven't felt this good that it scares me...quite. i know me, i don't get scared.

Monday, October 18, 2004

kaastigan 69

isang kaastigan pala ngayon ay nagkita kami ni dogi sa campus. napaka rare occasion noon.

kahapon nga pala, 69 days to go before Pasko pero dahil wala akong internet at hindi ko maalala ang email add para makapagpost sa crappers' corner blog, hindi ko na-post doon. oh well. kaya nga may offset date and time posting (o kung ano mang tawag doon). post ko na lang pag nagkaroon uli ako ng internet access. sure wish i'll remember.

nakangiti ang buwan

tila hindi ko pa makukwento ang mga kaastigan noong sabado. oh well.

sa mga beses na naglakad ako sa agno, sa may strc, napansin ko ang buwan. maganda ang buwan ngayon. sailormoon, sa terms namin ni cara; isang ngiti, gaya ng sabi ni bj sa isa niyang kwento. may dalawang hugis ang buwan kung kailan ako masaya.



kamukha ni cai si toni gonzaga kasi nagpa-rebond siya ng buhok plus the glasses. not to mention talaga namang maganda si cai. kasama naming kumain nina ray at reggie sina cai at cent. 'speaking' of reggie, back to normal. parang walang nangyaring kalasingan noong sabado. pero bakit ba kailangang gawing big deal ang ganoon two days after with the lesson learned? pointless. hindi sitya ang tipong senti sa ganoon at pinagmamalaki ko nakatulad ko siya.

ang katuwa-tuwa ay ang kwento ni ray. haha. enough 'said'. sabi nung oracle kanina, "procastinate". hindi niya sinabi sa akin ang tanong pero nagkakaintindihan kami. alam niyang alam ko.

"ako ang kapalaran" (wala lang. gusto ko lang 'sabihin'.)

naipasa ko ang topic sa cemetre pero minus ten. hanggang 90 na lang ang makukuha ko. umaasa na lang ako sa kabaitan ni dr. chan.

hindi nanood si lica ng eng unplugged kaya sa cemetre lang kami nagkita. wala rin kasi kaming struct1 kanina.

nangailangan ako ng pera (pero hindi ko rin pala kinailangan) kaya hinanap ko pa si noel (hindi naman talaga hinanap. tinext lang) para hingin ang isang daang pisong hiniram niya. nagkasalisi kami ni lica nang sinamahan siya ni jhude sa baliwag kasi uuwi na siya. kaya kami nagkasalisi ay dahil bumili ako ng maxx (pula, 3/P2). hehe.

nakita ko sina cara at sunny. nakita namin si odessa. hindi siya sigurado kung makakapanood siya ng eng unplugged. masipag na bata. kahanga-hanga.

sa agno, bumili ako ng maxx (3/P2, green naman ngayon). sa greenplace, nanlibre si ray pagkatapos manlibre ni rose. kumain ako ng bbq (P15) at hansel (2xP5). hindi ako mahilig magpalibre, e.

pumunta ako sa eng unplugged, P5.00 entrance. nakita ko si anina. bumalik pa ako sa gp para sa libre ni ray.

masarap ang balot (P10), at red horse extra strong ito ang tama (c/o ray).

bumalik ako sa eng unplugged. hindi ko nasimulan. nandun na sina louie, jhude, sheila at patrick. wala sina lica at odessa. naamoy ni louie na uminom ako.

mapintas ako. akala ni louie, dahil sa tama pero hindi ko itinanggi na may tama ako kasi gawain iyon ng lasing. sadyang mapanlait lang ako kapag gusto kong ako ang nasa stage.

nag-perform sina yonni at sure win. pagkauwi, nalaman kong nanalo nga sila. habang tumutugtog sila, naiisip ko ang mga balak kong may kinalaman sa pagtugtog.

hindi ko kasi tinapos ang program. umalis ako nang magtext si odessa na nasa tapa king siya. pinuntahan ko siya, nakasalubong at sinamahan hanggang sa labas ng dorm niya. "bubuhayin kita." naisipan kong bigyan siya ng maxx (green) kasi wala lang.

sumakay ako ng jeep at umuwi. sa evangelista-libertad na jeep, nakipagbiruan pa ang driver sa akin. pagsakay ko, "nandito na ang aarkila sa akin." tinanong pa ako kung saan kami. ako lang kasi ang pasahero. para tuoy taxi. espesyal daw ako kaya dapat daw, doble bayad ko. may sumakay namang iba nang malapit na kami sa simbahan. "buti na lang," balik biro ko sa kanya.

naglakad akong masaya papunta sa aking masayang tahanan kung saan gets na ni papa gamitin ang bago niyang T610 dahil naturuan na siya ni ate, at napaghanda ako ni mama ng gabihan.



sa pagtawid ko pagkatapos sabihan ang tsuper ng, "ingat po kayo," naalala ko na muntik nga pala akong sagasaan pagkatanong ko kay john kung saan ang tapa king at tumawid ako. patunay iyon ng kasiyahan ko.

Sunday, October 17, 2004

pag-iisa

noong biyernes, nalungkot ako. nawala ang mga kaibigan ko. nagsiuwian lahat. noong napansin ko na mag-isa ako, tumawag ako kay cara. malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

matagal ang break ko noong araw na iyon dahil called off ang dalawa sa gitna. ang mga taong inaasahan kong makita at hindi ko nakita. malaki rin ang naitulong ni anina sa aking self contemplation kasi nakita niya ako. may. malaking bagay para sa akin ang makita ng ibang tao kapag hindi ko nakikita ang ibang tao.

naging normal ang lahat mula noong gabi nang pumunta kami ni cara sa bday ni jewel. silang dalawa lang ni reggie ang kasama ko. laking ginhawa rin ang dulot ng sinabi ni jewel tungkol sa aking pagbibitiw.

kahapon, sabado, spo cup game 1 at debut ni rose. bukas ko ikukuwento.

nga pala, 69 days to go before christmas. naalala ko bigla kung bakit mas natuwa ako sa significance ng araw na ito. cbe night na nga last year, malapit pang mag-Pasko--ang isa sa tatlong pinakamasayang araw sa taon.

_______________________________________
EDSAMAIL. Internet the way YOU WANT IT.
www.edsamail.com.ph

Thursday, October 14, 2004

panaginip

muntik na akong mahuli sa test sa envieng. sa totoo lang, late na ako. medyo hindi ko na maalala kung kailan ako umabot sa opening prayer ng klase. hindi ko na rin naaabutan ang maximum volume ng boses ng prof na pagasa ang unang ngalan at hindi ko maalala ang apeliyedo.

hindi ako nakapag-aral. wala pa akong maalala. dahil dito at medyo paubos na ang mga tao sa room, maaga akong umalis. hindi ko naubos ang isa't kalahating oras na siyang tanging klase ko.

tumambay ako sa office hanggang mga 11:10, oras ng pagtatapos ng klase. ilang minuto pagkaalis nina che, linnzi, jc, at ron (mga tao sa office) para pumasok, iniwan ko doon sina aleck at chris para umuwi na.

sa gitna ng mga conservatory nakasalubong ko si sunny at nag-usap pa kami nang kaunti. sakto halos. naabutan ko si lica bago lumabas sa gate 2.

sa jeep ng dominga, may napulot akong 1 euro cent. astig.

sa bahay, sleep all day. pupunta dapat akong sm para bumili ng sapatos pero 6:30 na ako nagising.




bukas, sana sumama si odessa sa amin nina lica, jhude, atbp. magpapa-late na lang ako sa bday ni jewel.

oshit, deadline nga pala bukas. matagal naman ang break ko bukas at mahaba pa naman ang gabi.




thursday last year, bday ni rose. bukas ang huling pagkakataon ko para kumbinsihin si odessa na pumunta sa debut ni rose sa sabado.

Wednesday, October 13, 2004

kaapeliyedo, ms eng, at nail polish

louie ang

may mga kapuna-punang mga hirit si louie kapag kasama ko sila ni odessa.

monday, sa engwalk driveway nung pinag-uusapan `yung crush ni odessa

louie: bagay kayo.
odessa: may howe na kaya yun.
louie: jomic, may girlfriend ka na?

kanina, sa may enggate nung nabangga ako sa poste habang hinihila si odessa gaya ng madalas

odessa: ayan, nabangga ka tuloy.
ako: ok lang yan. ilang beses na rin naman akong nasaktan dahil dito.
louie: nasaktan physically o...?

one time

louie: mahirap yang ginagawa mo.




ayaw talagang sumali ni lica sa ms eng. kanina, tinanong ko kung kamusta na. baka si jacq na lang daw.




inalis ko na ang itim na nail polish sa mga kanang kuko ko.

Tuesday, October 12, 2004

mahigit isang linggong flashback

monday

nag-date si reggie at rose habang ako naman ay pumunta sa klase. maya-maya, tinipon ko sila sa engwalk. pupunta sana kami sa kung saan lumulubog ang araw pero umulan.

nakita kong palabas ng enggate si odessa. medyo matagal din kaming nag-usap sa labas ng dorm niya habang dumarating ang dalawang nag-date. pumasok na ako sa campus at tinanong kay lica kung may kaklase siyang odessa grace gonzaga. magkakaklase silang tatlo ni louie ang.

sina rose, reggie at cara ang tinawag ko para sa aking announcement. sila ang pinakamalapit sa akin sa aking staff. hindi lang dumating sina arun at miko kasi may quiz.

nagpunta kami sa greenplace at uminom sa pag-aanyaya ni ray. umalis ako nang 7:00 para sa eb meeting. late as ususal at sa huling pagkakataon (medyo).

nag-resign na ako. silence. drama--contained.

sa labas, nandoon sina cara at reggie at odessa.

tuesday

nothing amazing that i recall except that i had to go to z2 to buy maxx candies. nakita ko sa aking pagbaba si odessa at sasamahan ko sana sa klase pero may kasama na.

wednesday

sinabi ko na sa staff ang balita. ipinaubaya ko na sila (at ako)--ang prosa ng malate--kay aleck.

pinuntahan ko si odessa sa mm tapos sa hagdan kami nagkatagpo at nag-usap. bago matapos ang pag-uusap namin, dumarating si lica. lumiliit ang mundo ko. pagkatapos ng klase, tinanong ko kay odessa kung tuloy. naghiwalay kami at naisipan kong bumalik. nakasalubong ko sina lica at kasama niya si louie. alam ko ang apeliyedo niya (astig na source si anina) at nabatid niya na maliit ang mundo. "ginagawa kong maliit ang mundo."

nagpunta kami nina loi, ray, cara at reggie sa greenplace. nauna kaming umalis ni cara dahil manonood kami ng the classic sa condo niya. sinundo ko si odessa sa 7-11 pagkatapos siyang daanan ni cara nang hindi napapansin.

kasama namin si amor sa condo ni cara. pagkatapos ng sine, dahil apat kami, ang katotohanan ay natupad.

umalis na sina amor at matapos ang mga kalahating oras, umuwi na rin ako. hinahanap na ako ng nanay ko. nababadtrip na naman sa akin `yun.

nakita ko si ato sa starbucks at nakipaglaro sa akin ang tadhana. hindi kami magkakampi.

thursday

i-i-intercept dapat namin ni cara si odessa kaso si cara ang nakita. hindi namin siya nakumbinsing magresidency. ang cute ni odessa nung araw na `yun. (bakit, masama bang mag-comment nang ganito?)

bumalik kami ni cara sa office at pinatunayan na naman ni anina ang kanyang pagiging astig na source.

it was the day of pairs. noong pababa kami ni cara noong una, pair sina ray at anina tapos sina jonas at claire tapos kami. nagpunta kaming jollibee nina reggie, loi, carlo, vanessa, ray, yot at cara pagkatapos naming pag-usapan sa office ang kaibahan ng prose at poetry. salamat kay sir allan, may nasabi ako.

four corners na naman. cara night was good with rose, reggie, ray, jaja, arun and of course, cara. ngayon pala ang huling beses na late ako sa eb "meeting". videoke sa prov, room 26. nilibre ako ni JO ng san mig light at ginawa kong panulak sa cheeseburger na binili ko bilang hapunan. nandoon din sina aleck, dustin, aj, sunny, carlos at nopc. dumating si reggie pagkatapos ng cara night.

friday

medyo boring ang feild trip pero ok na rin. kasama ko kasi si blockmate noel. P48 ang nagastos namin sa tanghalian. sa aming dalawa na `yun at nakapag-socialize na rin kami sa mga taga-roon. sulit lalo sa bus nang may natira pa pala sa dala pala nina JV. nagrebolusyon tuloy ang tiyan ko.

wala akong load kaya hindi ako maka-text kay mama. tila kailangan kong tipirin.

maaga kaming dumating sa school. hinintay ko sina odessa at lica sa mm pero hindi pala pumasok si lica. disoriented ako. nakita ko si jude tapos naisip naming mag-seat-in sa rels nila sa lvr. hindi pala pwede.

nag-inuman ang mga greenplacers, reggie, jaja, dipon, ray, ron, rose, loi at chris. nandoon din sina tere at soyster.

nakakatuwa ang paghahanda para sa debut ni mica. nauna na sila (maramami-rami) at naiwana ako para hintayin sina arun at miko at makatipid ng P40. masaya kasi nakasama ko ang gox people na sina paco, renz, kimber, at rogi. nakilala ko pa ang maskot ng gox.

pagdating sa debut, kumain ako nang kaunti tapos tahimik lang ako halos. no spectacular thing for me. nanalo nga pala ako sa laro kasama nina ron, jaja, miko, at sunny. hindi ko pa kinakain ngayon ang garfeild lollipop.

lumindol. akala ko may tama ako kaso naalala ko na hindi pa pala ako umiinom.

para sa akin, ang pinaka-astig sa gabing iyon ay ang candilang sumisindi nang paulit-ulit. medyo naaliw din ako sa rap performance ng tito (yata) ni mica. sa kung anong dahilan, mas natripan ko pa ito kaysa sa isang number nina bugie tungkol sa pagkamatay.

saturday na yata

natapos ang selebrasyon at umuulan nang malakas. naglakad kami nina arun, reggie at cara papunta sa bahay ni arun. oo, sa ulan kami naglakad. naglaro na rin kami. hindi man kami magaling na retrieval agents ni cara, magaling naman kaming maghanap ng bahay. partida, ilang beses pa kaming naligaw.

natapos ang larong iyon nang nasa labas kami ni cara at tine-text ko si arun na nawawala kami.

hapon na kami nagising ni cara at nakaalis na si reggie. hinahanap na ako ng nanay ko. patay kasi `yung cellphone ko. pagkatapos naming mananghalian, umalis na kaming tatlo.

naglakad kami ni cara nang tumigil ang jeep. sumakay uli kami malapit-lapit bago mag-merville hanggang sa magallanes interchange. hinatid ko si cara hanggang mrt magallanes station. maganda ang view ng edsa sa taas, sa overpass. kung hindi lang ako nagmamadaling umuwi, tumigil muna sana ako roon.

nagsimba kami nina mama at adette at judith. inaantok ako sa misa. nakakahiya. nakakapagod ang nakaraang linngo.

sunday

ang kapuna-punang nangyari ay inayos (hindi nangangahulugang nilinis) ko ang kuwarto ko.

malapit ko nang mamemorya ang canon in d sa gitara.

monday

may test sa engecon mula 6-9. hindi ako pumasok dahil sa umaga kasi masakit ang ulo ko. pinagalitan ako ni mama at nagbigay ng mga dahilan kung bakit sumakit ang ulo ko. pero hindi kaya dahil umayos ang kwarto ko.

isinali sa ms eng si lica. isa ako sa hinihingan niya ng tulong para maalis siya.

masarap kausap si louie at siyempre, si odessa. nakapag-bonding din kami nang kaunti nina jude at louie.

pagkatapos ng quiz na nakakakulta ng utak (kahit hindi malinaw sa akin ang kahulugan ng kulta), kumain kami ni cara sa mcdo kasama si eli. dumating si reggie sa kaniyang bike dahil naiwan niya sa office ang smartTM hat niya.

huling beses ko nang tumakbo pauwi kagabi dahil sa mga tahol ng aso at pagbabawal ni mama.

bumili na si papa ng bagong phone.

tuesday

nagpunta si papa sa bacolod para sa summit nila. sa linggo ang uwi niya.

may dalawang bagay akong hindi ginawa ngayon: 1) kumuha ng baong pera, at 2) magsuklay.

hindi pala ako nakaakyat sa malate kahapon. halos walang tao sa office. ilang kapunapunang bagay:

* naiwan ni gem ang wallet niya. tinext ko siya at binalikan pagkaklase pero hindi niya kinuha.

* nagkasalisi si noel at reggie sa pagkuha ng kasama sa pagkain.

* hindi alam ni paolo na hindi na niya ako editor.

* may pina-photocopy akong pahina sa logbook para kay ray.

nagpaalam na ako sa eb sa logbook. dalawang kalahating pahina lang ang ginamit ko. hate long goodbyes.

anong naiba sa araw na ito sa nakaraang anim na school days at natulad sa maraming ibang araw na nagdaan? hindi ko nakita si odessa.

nagising ako nang mga 5 pasado. binalikan ko ang nakaraang siyam na araw.

________

notes to self:
* isulat ang tungkol sa pakikipaglaro ng tadhana kasama si ato.
* isulat ang tungkol sa hunting.

Monday, October 11, 2004

unblogged week

the lazy person that i am, i'll just link arun's post regarding friday.

still feeling lazy but the past week was simply eventful. i'll probably post it tuesday.

Sunday, October 03, 2004

turning point

noong friday...

hindi ako pumasok sa engecon para maghanda para sa 2nd deliberation para sa unang issue na ilalabas ng malate. sa apat na kwento, dalawa ang may kinabukasan sa issue. gagawa rin dapat ako ng assignment para sa struct1. wala sa dalawa ang nagawa ko.

kumain ako ng tanghalian kasama ni reggie at ray. dumaan muna kami sa starbucks kung saan nandoon sina magsy. matipid kami sa tanghalian kasi sa 2600 kami kumakain. napagplanuhan din ang pagbaon ng de lata para mas tipid. pabalik, diagonal ang amin pagtawid sa intersection.

struct1, gumawa ako ng assignment at seatwork na in-assign ni mr. manalo kasi hindi raw siya darating. isa-isang natapos ang mga kaklase namin at naiwan kami ni lica sa classroom. noong napansin ko na masyadong malamig ang hangin mula sa aircon, may pumasok na mga mag-aayos ng aircon. dumating si sheila at pagkatapos naming dalhin sa department ang mga papel, umakyat kami sa v501 kung saan mag-isa si dr. chan. nagklase pa rin kami. dumating si jeff kaya apat kami.

sinamahan ko muna sina lica at sheila sa mm. may 20 minutes pa silang klase dahil 4:00 pa ang suspension. louie ang pangalan nung kaklase nilang pinakilala ni lica noong monday. kakilala yata ni ray.

nagsimula ang eb meeting at natapos. may pakain dahil nanalo ang lasalle sa uaap at naabutan namin ang para sa sps. sa katunayan, nalampasan na namin ni cara ang bro connon seminar room pero narinig kong may tumawag sa akin. hindi nga raw narinig ni cara.

kahapon, sabado...

nangumpisal na naman ako. habit na yata ito sa akin na halos buwan-buwan ay nangungumpisal ako. pero iba. iba ang inaasahan kong pagbabago ngayon, e. hindi lang kasi ako ang umaasa ngayon at may iba pa akong pinaasa nga.

maaga-aga akong umakyat para matulog. sabado pa nga, sa totoo lang.

linggo, ngayon, mamaya...

galing si papa sa bacolod. balang araw talaga, babalik ako doon sa negros--lugar kung saan una kong nadama ang pagbabago.

iba ang pakiramdam ko. parang kaya ko nang magsulat uli. parang gusto ko nang magsulat uli. hindi pala. alisin natin ang "parang".

kinakabahan ako sa pagdating ng bukas. nasasabik ako sa darating na bukas.

Saturday, October 02, 2004

aking blogging style

hindi pala na-e-extend nang todo ng aking pag-blog ang mga spontaneous moments. may mga termino kasi akong ginagamit na nagtatago ng mga impormasyon. sa pagsulyap-sulyap ko sa kajomican, napansin ko na hindi ko maalala ang ilang ibig kong sabihin sa mga kabadtripan. siguro dahil hindi ko nga nais maalala ang mga kabadtripan. masaya akong tao.

malapit na ang lunes. sabi ko kahapon kay cara, isa na namang turning point sa buhay ko ang kagabi. sa totoo lang, ang pinatutungkulan ko ay mula noong huwebes hanggang sa lunes.

Friday, October 01, 2004

ANIMO LASALLE!!!

eb meeting... kapagod... kagutom. sabay may mga nag-text pa tungkol sa pagkain.

pagkatapos ng eb meeting, wala na yatang pagkain. uwi na lang.

bro. connon seminar room, may pagkain pa!

cara, cara, aj, mica, j.o., nopc, carlos and i share the same thought - i actually love this school.

hahaha (tatlong dahilan para sumaya)

masaya kahapon. (oo na, nanalo na ang dlsu green archers pero hindi iyon ang dahilan ko. sige, congrats na rin. masaya na rin ako dahil doon.) basta, masaya. can't wait till monday when this joy reaches the climax.