Saturday, August 14, 2004

kamatayan, muling pagkabuhay, kamatayan uli, at muling pagkabuhay na naman

field trip noong huwebes at ang inasahan kong hindi pangyayari ng pinapangarap ko ay na natupad. (labo.) balik muna sa nagdaang miyerkules ng gabi. ginabi ako ng uwi kasi tumambay kami sa rooftop ng condo ni cara. uuwi na sana ako kaso, mula sa paborito kong tambayan sa may eng gate, pinuntahan namin nina reggie at cara sina yot sa agno.

nawalan ng cellphone si pb. nawalan ako ng salamin (kagabi ko lang napansin).

balik sa feild trip, katabi ko sa bus si bryan. nasa harap namin sina patrick at lica. kung may hindi ako malilimutang mga bagay ay ang mga sumusunod:

* parang starbucks coffee/frap ang nakita isang stage ng pag-filter ng tubig.

* sa balara at sa la mesa, humahawa sa kamay ang kulay asul na pintura ng railing.

* napamahal kami nina vicky, bryan, lica, patrick, jeff at gelo sa shakeys.

* pinatay ko ang maliit na ipis sa bintana sa tabi ni lica.

* sira ang earphones ko. nagpatugtog ng r&b. mamatay-matay ako.

* sinapak ko ang isang poste sa may plant 1 sa la mesa.

* sa plant 2, kapag nakapwesto kayo sa tabi ng aircon (at hindi sa tapat), mainit kaya mabuting paypayan ang katabi para cool.

* hindi nakaaapekto ang ulan sa filtration process.

* hindi epektibong punasan ng tuyong panyo ang kamay ng isang kaibigan kapag kulay asul kasi para kang nag-da-damoves.

* astig talaga ang canon ni pachelbel.

* nakakasenti ang ulan.

pagkatapos ng feild trip, reinkarnasyon ng salita. reinkarnasyon ko rin yata. sayang, pinauwi ko na rin sila.

* masaya ang tula, katutubong tugtog at rock music.

* wala kaming talent ni arun.

* astig ang mayonaise.

* astig ang silent sanctuary.

* magaling magnakaw ng chords si arun.

* kailangang ayusin namin nina thad ang banda namin. unang single ang cholosong ni cholo.

* 10 nagsasara ang dlsu.

* nakakabusog kapag pinapalayas na ng guwardiya.

* huhupa rin ang galit ni mama.

* masakit ang katawan ko pagkauwi.

* lagot ako. tila lunes ko pa masusubukang ayusin ang buhay ko. pero masaya.

(to be continued...)

1 comment:

stani said...

me talent na ako... magaling akong magnakaw ng chords at kumapa ng mga kantang mahal ko :D

sana matuto akong mahalin ang lahat ng kanta.

s'ya nawa.