Tuesday, August 31, 2004

mga tinatapon na alaala

ano ba ang halaga ng alaala? wala. kung mayroon man, tayo ang nagbibigay.

nahulog sa kinalalagyan ang tinatago kong balat ng ferrero. wala man lang significance ang kinain kong ferrerong iyon. wala lang. kagabi, pumasok ang nanay ko sa kwarto ko, pinulot ang balaat at tinapon.

huli na ang lahat. wala nang halaga sa akin ang balat na iyon.

nagpapasalamat na rin ako sa nanay ko kahit na naiinis ako. maraming bagay ang hindi ko binibitiwan sa buhay ko at kahit na anong halaga ng mga dalahin, kapag dumarami ay dumaragdag sa bigat na pasan. bumabagal ang pag-usod sa buhay. pero kung may iiwanan, maaari kang tumigil sandali at lingunin ang ibinaba sa daan. pagkatapos lumingon, tutuloy ka sa paglakad.

No comments: