Wednesday, August 25, 2004

biglang ulan

umulan. badtripin. dinala ko ang slr kasi may balak na pumuntang baywalk. 5am, nagising ako at bumuhos ang ulan. sa isip ko, sabi ko, "whokey."

ang saya ng cramming sa geology. mukha namang mataas ang marka ko sa exam at makapapasa ako doon. hehe, bukod sa may napag-aralan ako (within 3hrs before the exam) inspired pa ako. hehe.




hindi na ako sumama kina patrick kumain kasi umalis na rin si lica at gusto kong magtipid at wala naman na akong pupuntahan pagkakain kaya mabuti pang umuwi na ako. nakakahiya lang kina sheila kasi dahil lang wala si lica, hindi na ako sumama sa kanila.

umaambon habang pauwi ako. wala akong dalang cap at payong. jacket lang ang nasa bag ko kasama ng slr. dumaan muna ako sa bilihan ng load para bumili ng casing para sa 3315. hehe. bumili ako ng itim sa halagang P100. orig daw kaya ok na rin at ok naman ang hitsura. may pagkamaarte ako pagdating sa mga ganyan. dapat near perfect.

lumakas ang ulan. naglalakad na ako at naisipan kong bumalik para sumilong at kunin ang jacket sa bag ko. sabi nung nagtitinda, dun na lang ako sa tapat sumilong kasi nababasa rin ako at mas makasisilong ako kung doon ako sa tapat.

matapos ang matagal na proseso ng pagkuha ng jacket na nakabalot sa SLR, nasuot ko ito at nakauwing basang-basa. nga pala, asteg, hindi tumahol yung aso sa bahay na nakisilong ako at buti na lang may gate. hehe.

kain, tulog, internet. walang aral. hehe. i'm so me.




ang konti ng participants sa MOS, at pinostpone pa ang exams kaninang hapon kaya magkakandaloko ang sched. sana maayos ni JO.

nga pala, astig, extended hanggang monday ang pagpasa sa ateneo. carpe diem.




naubos load ko noong weekend kasi nag-download ako ng logo na nagsasabing CARPE DIEM. hindi ko lang alam kung tinutupad ko.

No comments: