alam ko na kung bakit nagkandagulu-gulo ang pag-aaral at pagsusulat ko. masyado akong natuon sa dalawang tao - isang nakasama at isang nawala.
wala halos nangyari sa buhay ko. dalawa lang: maghanap ng hindi nakikita; at mag-alinlangan at malasin.
huling quiz...err...exam ko mamaya sa quameth. sana hindi ko ibagsak. 55pts ang kailangan ko para maka-1.0. sana umabot. sana mag-aral ako mamaya, mga 2hrs bago mag-test. ongapala, course cards pa pala sastruct1 mamayang 1. ipinapaubaya ko na kay Lord. may sigurado akong bagsak pero sana isa lang at kung maaari pa nga'y wala.
pwede akong manghinayang at magsisi pero tila masyado na akong manhid. kahit pa nabawasan ang pagkamanhid na ito, tila kulang pa para makaramdam ako ng sapat na dahilan para mapabuti ang buhay ko. hindi na nakabubuti sa akin ito. gusto ko na muling makaramdam. at kapag nangyari iyon, kapag naayos ko na ang lahat, mawawalang muli ang pakiramdam. hindi ko na muli malalaman kung ano ang tinawag na takot at sakit. sana, doon na matapos ang lahat.
No comments:
Post a Comment