Saturday, August 28, 2004

liwaliw

kahapon

* nagliwaliw ako sa paco park kasama ang kamera. madulas sa malumot na lugar. masaya kasi makulimlim at minsan lang bumuhos ang ulan.

* sumama ako kina chris, karl, magsy, jenny, reggie, mai, at reiann sa korean restaurant. masarap nga ang soju. wala na akong pera.

* nakauwi ako nang maluwalhati kahit pagod at halos wala nang pera.

* pinanood namin nina adette ang il mare. astig.

* mapula ang likod ko dahil sa allergy.

ngayon

* nagliwaliw ako sa pandacan. bumalik ako sa paco park pero nawala ang mga jeep kasi dumaan si presidente.

* ma-traffic papuntang paco park dahil na rin sa rerouting nga biyahe ng jeep.

* nagjeep ako papuntang faura. sana hindi na lang. ang lapit lang pala. grrr...

* nag-ubos ng film at namulot ng chrismas lights at dove feathers.

* kumain ako ng karekare. paubos na ang pera.

* nakita ko si mr calopez (drafting instructor noong high school) sa rizal park. masayang tumambay doon.

* hinanap ko ang magbabalot sa photo ni karel. wala. tumayo na lang ako sa spot sa photo.

* nag-LRT ako pauwi para makaabot sa antcipated Mass para makasama sina mama magsimba.

* nakita ko na naman ang liwanag ng buwan. na-miss ko iyon. nakatago kasi sa mga ulap kamakailan at kung minsan ay pasilip-silip lang.

* sinisipon ako.




conclusion: kapag nagliliwaliw ako, nauubos ang pera (at load--halos isang daan sa dalawang araw...not good--) ko at nagkakasakit ako pero masaya ako. happiness isn't predefined thing.

No comments: