12:13 PM ngayon at nanghihina pa ako dahil sa kaunting kinakain. masakit kasi ang lalamunan ko - hanggang tainga ang sakit - dulot ng gamot laban sa amebayasis (hehe, lasalle filipino). isama na rin pala natin ang puyat sa dahilan.
ika-18 kaarawan ni dandi kagabi at masayang tunay ang kanyang debut. sa kasalukuyan ay malabo ang aking alaala sa mga detalye kahit hindi ako nakainom. bukod sa wala naman nakalalasing na inumin, bawal sa aking uminom dahil pinapahina lalo ng metronidazole ang resistensya ko. ayokong mamatay dahil sa alak. it's pathetic. hindi ko na itatala ang mga pangyayari bukod sa ilang bagay. iiwan ko na lamang sa aming mga darating na kuwentuhan ang mga kasayahan ng gabi.
* noong umaga, dumaan ako kina doktor paclibar para malamang ang sakit ng lalamunan ko ay dahil sa gamot.
* sinamahan ko sandali pagkatapos ng klase ang ilang kaibigan na may quiz sa physics kinagabihan.
* nagpagupit ako pagkauwi.
* naka-chinese collar ako at naghintay nang sandali kina cara kasama nina reggie at yot at sunny. medyo marunong na akong magsuot ng tie kahit hindi ko kinailangan. si sunny, hindi.
* sa debut ni dandi, hindi namin makita ni asha sina pb kaya napunta kami sa mesa nina harris. complementing kami. hehe.
* tahimik ako buong gabi. depressed dapat ako kasi na-mi-miss ko ang isang matalik na kaibigan. hindi siya ang kasama ko noong umaga sa conserve para mag-aral. madalas na kaming magkasama ngayon. siyang tinutukoy ko, hindi ko maintindihan.
* ang wish ko kay dandi ay nasa patulang anyo pero hindi siya tula dahil ritmo lang ang meron siya. ang maganda lang doon ay tunay ang sinabi ko.
* nagsayawan sila at lumabas kami. pinatugtog ang i'll be. ako lang ang hindi sumayaw. kj.
* inumaga kami sa videoke.
kapagod. buti na lang hindi napunan ang pagiging malungkot ko. salamat kay dandi.
No comments:
Post a Comment