Friday, July 30, 2004

tinatamad akong mag-blog

masaya't masaklap ang mga nakaraang araw at ang mga susunod. astig. kaya ko `to. tinatamad nga lang akong mag-blog.

Monday, July 26, 2004

walang pasok

late dapat ako kanina kasi late ako gumising. dahil sa kasunduan namin ni mama, dapat wala akong baon. sa jeep, pinagdasal ko na hindi ako ma-late. dumating ako sa school. nakasalubong ko si bernard pero `di ko pinansin. pumasok ako sa velasco at nakitang bumababa ng hagdan sina coco at shi. wala raw si sir. hindi man lang ako nakaharap sa mga hakbang. nasagot ang dasal ko. i love God.

umuwi ako pagkatapos tumambay nang isang oras sa malate office (na hindi sinasabi kina gp at jonas na walang klase). ang ganda rin ng view sa tls.

sa pag-uwi ko ay may dalawa akong nakitang kagaya ng filecase ko.

kinuha ko ang baon ko pagdating sa bahay. hehe. hindi naman ako na-late, e. wala akong 3:40 class kasi wala rin ang prof namin pero sinabi na niya `yun dati. kung hindi para sa eb meeting nang alas sais, hindi ako babalik sa school.

walang pasok pero late na naman ako nakauwi. ok lang sana pero ok naman. hehe.

mozilla firefox

astig ang mozilla firefox. hehehe.

Sunday, July 25, 2004

dead or alive

sh*t, deadline na bukas!

teka, tila bong araw ako sa harap ng testtype, naglalaro at kung ano pero hindi bumubuo ng kwento--sa notebook sinusulat ang kwento para mas cool. patalong nfs, nba live at f1 `yan. isama pa natin ang preview video ng dead or alive ultimate (`di ko na i-li-link).

pero deadline pa rin bukas! sabay doble hirap pa. ahh... ok, steady lang dapat gaya ng lagi. cool lang para cool.

astig.

takot

maaga akong nagising dahil sa alarm at dahil sa hindi ko trip na panaginip. hindi ko trip kaya hindi ko na ikukuwento para mas hindi ko maalala balang araw kapag binasa kong muli ang entry na ito.

bago natulog, pc ang kaharap ko. pagkagising, balik sa pc. adik. hehe.

sabog ang freewebs pero natapos ko ring i-upload ang mga inayos kong mga page ng pangalawa.

oo nga pala, isa pang dahilan kung bakit ako gumising nang maaga ay ang medical checkup something. may ganoon sa kabilang parokya ng fatima. (next week ang sa amin pero doon kami para mas kaunti ang tao.)

pangalawang beses ko pa lang nakunan ng dugo. hindi ko trip iyon. hindi ko itinatanggi na takot ako at nahirapan akong gamitin ang psychological anaesthesia ko. buti na lang nagawa ko nang kaunti. nanghina pa rin ako kahit papaano. buti na lang nauna si ate na mas takot at unang beses. mabait din ang nurse.

nang maturukan na ako at sinimulan nang kunan ng dugo, hindi ako nakatingin. dahil medyo takot ako sa sarili kong dugo (takot ako kapag marami tapos dahan-dahang lumalabas), tiningnan ko. hehe. face your fears. ang saya! ang bagal ng paglabas ng dugo ko. siguro kasi kinabahan na ako. ewan ko lang. sabi nurse, "ang bigat ng dugo mo." ewan ko kung ano ngayon kung mabigat.

kasama nga pala sa medical something ang urine test kaya may dala kaming sample nina mama at ate. hehe. astig siguro kung may magulang na doktor tapos anak na mahilig sa photography. go figure.

Saturday, July 24, 2004

Friday, July 23, 2004

may kulang...basta

may malaking pag-asang bumagsak ako sa engiman. sa jeep, alam kong mahuhuli ako. naisip ko na sana hindi kami ang unang grupong mag-re-report. masama ang kutob ko. kung late sa report kahit hindi speaker, 25% lang ang makukuha (na pagkaraan ko na nalaman). dumating ako. nalaman kong una pala kami dapat. hindi 25% ang nakuha ko. wala pala kaming report. bale 0. okey lang. hindi naman ako late sa presentation namin. hehe.

astig ang lecture at book launch ni cirilo bautista. astig dahil sa mga sinabi at astig dahil sa pagkain pagkatapos. libre. kahit nakapag-lunch na ako, masarap nga talaga ang libre.

ang saya ng pagiging editor ay kapag may pinapagaling tinutulungan kang maging magaling na manunulat. sana matagumpay ang attempt ko.

pinlano na namin ni cara ang prose socials. hehe. asteg `to. taob ang ibang section dito...kung matutuloy.

nakaabot ako sa prayer meeting. dumating ako nang malapit nang mag-closing prayer. hehe. hirit ko dati, darating ako kapag closing prayer na. anyways, may magandang tinuro si bro ceci tungkol sa our father. hindi ko ma-de-demonstrate dito ngayon. pag-iisipan ko muna kung paano. basta, astig.

hanggang dito na lang muna. may quiz pa ako bukas.

kahapon, nahilo ako

quameth pa lang, nanlalabo na ang paningin ko. geology, bago magsimula, sinubukan kong matulog. dumating ang prof, nag-lecture, sinubukan kong maging ok. hindi ko kaya. masakit ang ulo ko. lumabas ako para uminom ng paracetamol. bumalik ako, hindi ko makayanan ang sakit. walang paalam, umalis ako ng klase para pumunta sa clinic o sa office o sa bahay. nakapaglibot ako sa pagdedesisyon. napagpasiyahan kong umuwi na lang. pumara ako ng taxi. mabagal. traffic. mainit. malubak ang daan. pag-uwi, humiga muna ako sa sofa. masaya ako at hindi ako pinagalitan ng nanay ko ngayon. matapos ang mga limang minuto ng pagkakahiga, tumakbo ako sa banyo at sumuka. kita ko pa ang gamot na ininom ko.
ayoko ng ganito. kaya ko nga bang alisin ang kahinaan ko?

Wednesday, July 21, 2004

problema?

masama ang gising ko kaninang umaga.

hindi ko nagawa at napasa ang requirement sa engiman. wala akong pakialam sa bonus points pero dahil requirement siya, kailangan ko pa ring ipasa na walang credit kundi bagsak ako.

maraming trabaho bilang patnugot ng prosa at ako'y nalulula. hindi ko alam kung kakayanin ko kahit dahan-dahan lang.

hindi ko maintindihan ang mga aralin sa struct1 at ceflume at huwag nating kalimutan ang geology. sabay isang linggo nang late ang isa kong experiment report ko sa ceflula.

nakibalita ako kay nikky (ok, nakalimutan ko ang spelling) tungkol kay katie. nasa uk na pala, nag-aaral at nagtatrabaho. hindi man lang ako nakapagpaalam. wala man lang akong maalalang pag-uusap na matino noong huli kaming nagkita noong bakasyon.

may mga kaibigan akong problemado at alam kong problemado sila sa likod ng kanilang ngiti. gusto ko mang makatulong, hindi ko alam kung paano.

kung ibang tao siguro ang nasa kalagayan ko, sasabihin nilang marami silang problema. hindi ko alam kung makabubuti sa akin `to o hindi na easy-easy lang ako. pero masaya pa naman ako sa mga problemang ito kung maituturing ngang problema. bukas, pagkagising ko, babawi ang mabuting kapalaran ko. syempre, may gagawin ako para magkaganoon. hindi ko man alam kung ano iyon ngayon, naniniwala ako. iyon naman ang mahalaga para sa akin, e.

lift your head, baby don't be scared of the things that could go wrong along the way. we'll get by with a smile...

Tuesday, July 20, 2004

drugs

una, astig `tong bagong interface ng blogger. hehe. tila sa email kasi ako nag-po-post kaya hindi ko alam o talagang bago lang.
 
anyways, guaifenesin, amoxicillin, phenylpropanolamine (tama ba spelling?) at multivitamins. hindi ako pumasok kasi pakiramdam ko mapapagod lang ako kapag pumasok ako at lalala lang ang sakit ko.
 
inisip ko rin na baka magawa ko ang mga kailangan kong gawin pero gaya ng inaasahan, hindi. hindi nga ako makakapagpasa ng requirement bukas. tila kakailanganin kong kumayod para mabawi ang nawalang grade sa iresponsibilidad ko't katamaran.
 
sa pagiging editor naman, papakita ko na sa staff ko na editor nila ako pero ako pa rin ang sabog na si jomic na hindi editor. (basta, oo na lang.)
 
mula sa usapan namin ni bugie ngayon-ngayon lang sa YM
 
absent ako kanina kasi ayokong lumala ang sakit ko
nagpahinga ako kasi napagod ako

Monday, July 19, 2004

masaya sa malate

masaya ang araw ko kasama nina magsy, jenny, reiann, karl, carlos, reggie at mai. noong nakatanga na lang kaming lima nina jenny, reiann, karl at reggie, nagantihan ko na si reggie. ang sama ko talaga, inaway ko na naman si reggie. hehehe.

nga pala, may sakit ako. medyo matindi ang ubo't sipon ko. ang saya. no sarcasm or shit.

maalala ko, naastigan si patrick sa my sassy girl. may disappointment ako sa araw na ito pero salamat na lang talaga kina reggie at sa lit people.

sa pagiging patnugot, may problemang binulong si aj sa akin kanina. bahala na. magaling naman ako, e. forgive the seemingly negative optimism. malaki rin ang pasasalamat ko kay soyster kanina (ibang sitwasyon). alam kong tama ako noong sinabi kong hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya. soyster, ikaw ang diyosa ng prose section.

games

kahapon, natanto ko na tatlo lang ang video games na nilalaro ko at nagugustuhan ko: need for speed, nba live, at mechwarrior. nalaro ko mula road and track presents the need for speed hanggang kaunti ng need for speed underground. pitong installments, iyon. nilaro namin ni `insan ang nba live 97, 99, 2000, 2001, 2003, at 2004 sa pc. isang driving force ng buhay ko ang mechwarrior 2 31st century combat at mechwarrior 2 mercenaries ng activision at tinapos ko ang mechwarrior 4: vengeance mechcommander 2 ng microsoft. naisip ko rin ang halflife at starcraft pero hindi sila gaya ng tatlong franchise na nabanggit.

Friday, July 16, 2004

"in love ka kasi" -jewel

una sa lahat, nalampasan ko na ang selos ko.

pangalawa, mahaba-haba itong kwentong ito. emphasized ang mahahalagang bahagi.

late ako sa engiman na klase kasi late akong bumangon pagkatapos ng pang-ilan kong gising. pinahiram ko kay patrick pagkatapos ng klase ang vcd ng my sassy girl. sabi ko kailangan niyang ipapanood sa iba pagkatapos ng pitong araw kundi mamamatay siya.

nauna siyang nakababa at tumigil ako sa isang tambayan sa engwalk kung saan naroon si patrick, george, shiela at iba pa. ang unang bati ko kay patrick ay, "you die in seven days," na paos at nakumpirma ko sa sarili ko na hindi maigi ang lalamunan ko ngayon (at aliw ako sa ring).

nakita kong parating sina karl, jenny at carlos. kinausap ko muna si carlos nang kaunti tungkol sa circulation habang naglalakad. dumating si lica at nagpunta na kaming lima - patrick, george, shiela, siya at ako.

malamig pero hindi hangin o juice ang tinutukoy ko. (go figure.) walang pag-uusap sa pagitan naming dalawa. marahil dahil sa hindi ako makapagsalita nang maigi dahil sa lalamunan ko o dahil wala lang akong maisip sabihin. wala hanggang sa south conservatory kung saan nag-aral sila para sa quiz nila sa phyeng2. walang bago. magkatabi kami mula pa sa kainan pero halos walang pag-uusap hanggang sa maupo kami sa conserv. (pasensya na...)

habang nag-aaral sila, sinubukan kong mag-edit ng gawa ni jaja. hindi ko rin natapos. umalis si george, may klase yata. dumating sina kenneth at jeff (na kaklase ko sa lasalle at `yung pinsan/kabarkada ko). may mga katatawanan dahil nandoon si kenneth.

umalis si kenneth. umalis si jeff. umalis sina patrick at shiela. i love physics. enough said.

naroon na si patrick at nasa magkahiwalay na bench na kami nang dumating si jude. (alam ko na na hindi na ako nagseselos.) napunta sa usapan na dati palang malate si jude. medyo napahiya siya sa akin nang malaman niya editor ako. sabi nya kasi kina patrick na wag sumali sa malate. gets ko kung bakit - something about politics. nga pala, may kopya ng malate sa mesa noon. umalis na si jude at naisip ko, bakit ba nasa kabilang bench si lica? nasagot ko: para makita ko ang kagandahan niya. (hahaha)

nagkaroon kaming tatlo ng mga medyo malalim na usapan. mga existential stuff at mga bagay-bagay na nakita ko ang sarili ko na kasama ang mga halos kagaya nina carlos, pb, bugie, yot, dandi, atbp.


dumating uli si jude bago mag-six at nagpunta na kaming anim sa sj kung saan ang quiz nila. bale hinatid namina ni jude silang apat. close na raw kami ni jude. habang naglalakad ay pinag-usapan din namin ang malate at ang mga kakilala niya. malamang, kakilala niya si noel. hehe. may nakakatawa at nakakahiya ring nangyari sa kanya. hehe. basta. nakakatawa pero hindi ko na kukwento dito. sa amin na lang iyon. hehe. (tama na ang hehe.) nakasalubong ko rin si tere sa aming paglalakad.

pinakamalayo ang room ni lica. may tine-text si jude at si lica ay papalayo papunta sa room niya. tinawag ko siya para magpaalam. pangalan lang niya ang aking binanggit. our non-verbal communication better even before.

umakyat ako sa malate office at nandoon sina bugie at pb at harris at roc atbp. pupunta silang starbucks. bumaba ako kasabay nila. nag-angelus tapos humiwalay ako sa kanila para magpunta sa prayer meeting ng sca. matagal na akong hindi nakadadalo. nandoon si jill pero nakalimutan kong sabihin sa kanyang, "next time you meet arun, tell him i plan to give him some ice cream." alam kong iba ang iisipin ni jill. it's jill for crying out loud.

hindi ko tinapos ang prayer meeting pero hinintay ko ang pagdating ni bro. ceci. as usual, astig sa insights. plano ko kasing dumaan sa starbucks.

"What could have happened..."

naglakad ako at makakasabay ko si lica sa paglakad papuntang starbucks. may kaunting usapan tungkol sa quiz at kung saan ako pupunta. malalaman ko na susunduin pala siya ng mga magulang niya at sa starbucks sila magkikita. mapupunta sa usapan si jude kasi mga kaibigan ko sa malate ang pupuntahan ko. pagdating sa starbucks, papasok siya at hahanapin ko sa labas (bulag ako, e) sina pb.

"What really happened..."

kasama ko sa mesa sina pb, bugie, jewel at harris. halos kararating ko lang. nandoon kami sa mesa pinakamalapit sa vito cruz at ako'y nakaharap sa kabilang dulo ng starbucks. nakita ko si lica at may kausap sa cellphone. sinuntok-suntok ko muna si bugie habang tinatanong kung anong ginagawa niya (ni lica) doon at pagkatapos ay tumayo ako at nagmamadaling nagpunta sa kanya. katunayan ay nadulas pa ako pero hindi halata--magaling ako, e.

tatay pala niya ang kausap niya sa cellphone at paglingon ko sa loob, nakita ko ang tatay niya. (i expect reactions from the reader.) bumalik ako sa mesa namin habang papasok siya sa starbucks. maya-maya, nakita ko nandoon din ang nanay niya.

umalis na sila at umuwi ako nang medyo hindi na nangangatog ang tuhod ko. buti na lang may blu skies at hindi ako bumili ng kape o marunong mag-yosi ayon na rin kay pb.

pauwi, habang nakasakay sa jeep, sinabi ko sa sarili ko na magpapakabait ako para gantimpalaan ng angel ko.


my sassy girl

isang linggo ko nang hindi nakakaausap si...

pagkatapos ng geology, nagmadali ako papuntang mcdo dahil sasama ako kina magsy sa tutuban para mamili ng vcd at dvd ng mga astig na asian film. ang dami naming pumunta: chris, karl, magsy, jenny, reiann, reggie at mai. nakabili ako ng vcd ng my sassy girl (hehe, may kopya na ako) at lovers' concerto. ito ang ilang astig na bagay:

* bumili si magsy ng dvd ng my sassy girl sa halagang P200 (yata pero ok lang kasi orig naman yata).
* bumili si reggie ng dvd ng my sassy girl sa halagang P80.
* may conjugal property sina jenny at magsy at ito ay porn.

bumalik ako sa office at nakita ang kagaguhan na ginawa ni reggie. sabi niya, hindi ko kailangang gumanti dahil pinahamak din niya ang sarili niya. pero gaganti ako, at alam ko na kung paano--dahan-dahan pero astig. humingi ako ng pasensya kay nestlé nang makauwi ako.

habang nasa office pala ay naglaro kami ni asha ng sungka. habang naglalaro ay nabanggit ko na paano kaya kung tabla kami. (tie ang sabi ko at ilang tawa ang nagmula sa mga ideya mula sa necktie hanggang sa thailand.) natapos ang laro at tabla kami. astig.

Thursday, July 15, 2004

pintuan

(isang napaka-igsing kwento ng pag-ibig at hindi pag-ibig at pareho nang sabay)

nang maisipan kong lumabas, bumukas ang pinto at siya ay dumating. tumuloy pa rin ako sa pintuan and nagkasalubong kami ng landas ngunit wala sa aming tumigil. nang tapos na ang pakay ko sa labas, ako'y pumasok. binuksan ko ang pinto habang siya'y patungo rito upang lumabas.

good morning, mag-hapunan ka na

(hindi na-post kaninang 09:40:48 AM)

mga alas-otso kagabi, nakatulog ako at nang gisingin ako para kumain at pagkatapos ay mag-rosaryo, hindi ako nakabangon. mga alas-tres na ako nagising. nag-gitara muna ako. tila binali ko ang wala akong ibang tutugtugin hangga't matugtog ko ang canon. eheads. ang sarap tumugtog ng mga kanta ng eraserheads.

nang maisipan at magawa kong bumaba, kakain sana ako ng hapunan kaso malamig na ang sopas at isda. may nakasulat sa mesa na mula sa aking nanay tungkol sa isda sa lalagyan ng sinangag at sopas sa kalan. buti na lang at hindi ako gutom kasi hindi ako marunong magsindi ng kalan (shame on me).

dumeretso na lang ako dito sa testtype at pinatugtog muli nang paulit-ulit ang piano version at orchestra version ng canon.

kanina lang ako naka-reply sa chikka txt msg ni fema kahapon. naaalala pa pala niya ako. naaalala ko pa pala siya--pero iba na ang tingin ko sa kanya.

tapos na nga pala ang awayan namin nina reggie at arun at walang panalo o lahat panalo. sayang lang at medyo nabura ko pala nang hindi nakokopya sa isang .txt file ang ilang para maalala namin ang trip namin. pero mabuti na rin siguro para walang panghihinayang na dumating. basta, inside language.

Tuesday, July 13, 2004

gobyerno, terorista, at iba pa

ayon sa balita, aatras na ang tropang pinoy sa iraq para pawalan ng mga terorista ang hostage na si angelo delacruz. nag-isip rin ang malacañang. tama ang magtiwala sa mga terorista na susunod sila sa usapan--hindi naman kasi sila mga pulitiko. (naks, social commentary.)




badtrip rin `yang my sassy girl. masama (kung masama nga) ang dulot sa akin. hinanap ko tuloy siya. katunayan, hindi iniiwasan ko si lica dahil baka hindi ko makita sa kanya ang hinahanap ko at natatakot ako na ganoon nga. kagabi rin, bukod sa dahilang nagmamadali ako, sumakay ako sa lrt pauwi, umaasa.




alam ni jewel ang isang bagay tungkol sa akin (o mas akma sigurong sabihing "sa amin"). hindi na raw kami natuto. ewan.

nalinaw na rin kina bugie at dandi ang hindi nila naintindihan. ang tanging masasabi ko tungkol doon dito sa blog na ito ay nakalulungkot na inisip nila iyon. kaunting "respeto" naman sa aking paninindigan. hindi ako ganoon kahina. pero ok lang. nakakatawa naman sila. sorry, pero natatawa ako sa inyo, e.

50 araw na lang bago mag-MOS at nakita namin ni reggie si dek kanina. nagsimula na rin ang search for malate hottie.




hindi maganda ang simula ng araw ko pero maunawain ang nanay ko. sana maalala ko at magawang humingi ng tawad. pero para kasing wala-wala lang sa amin ang ganoon pero iba pa rin kung may paghingi ng paumanhin. ano ba'ng nangyari, late akong gumising. big deal kaya sa akin `yun kahit na lagi na lang.




may internet card na uli ako pero astig talaga ang e-mail posting ng blogger.

(okey, medyo ilang libong beses na bang tumutugtog sa winamp ang Canon ni Pachelbel? hehe. kaadik `yung my sassy girl.)

Sunday, July 11, 2004

...

ha! hindi pumatak ang luha ko. hahaha. i don't cry at movies. i don't cry at movies. hindi ako naiyak sa my sassy girl...muntik na pero hindi.

wala na akong internet time. darn. kailangan kong hanapin `yung canon. badtrip. teka, baka may cd dito na meron noon. hehehe.

naisip ko lang, ano kayang iniisip ni reggie noong pinapanood niya `yung my sassy girl, e may angulo na may kahawig `yung babae (ok, hindi ko nahuli `yung pangalan.)?

layout

kapagod mag-ayos ng layout ng mga site... pero astig.

Thursday, July 08, 2004

selos ako

selos ako. potek. badtrip. peste. mukha akong tanga.

"naiinis ako sa sarili ko," sabi niya kay shiela. medyo manunulat dapat ako kaya alam ko ang ibig sabihin noon. isa pa, ako rin kasi. parang quits lang tuloy. ang kaso lang, siya, malay ba niya. pero ang alam ko lang, ayoko siyang saktan.

Wednesday, July 07, 2004

norton

kagagaling lang dito ni domeng. in-install namin sa pc niya ang norton antivirus sa laptop niya. makakapag-install na rin ako ng macromedia stuff sa testtype. sa kasalukuyan, nag-i-install ako ng ie6 mula sa norton antivirus na cd na nakaya na ring basahin ng cd rom.

ang saya kaso hindi lubos dahil hindi mabasa ng cd rom ng testtype ang binurn na vcd ng my sassy girl. tila mas una pang mapapanood yun ni domeng kaysa sa akin.

pagkatapos ng restart at pagkabalik ko galing kina domeng kasi pinahiram ko sa kanya yung cd at hiniram ko sa kanya yung nbalive2004...

medyo hindi ako lumalabas na naka-pambahay lang. owel.

hehe, dumating si yonni. (ang saya. napaka-sponteneous) nabasa ang sa entry ang mga salitang "my sassy girl". alam pala niya iyon. pinakopya ko sa p4 pc nila. sana makopya.

ipapadala ko na nga ito. ang saya talaga kapag naka-edsamail at naka-blogger ka.

Tuesday, July 06, 2004

okey

madaling araw ngayon at katatapos kong hawanin ang kwarto ko. sinipag ako, e. sa kasalukuyan ay pinapawisan ako at makati ang ilong. habang naglilinis hanggang (at lalo na nang) matapos, naka-ilang libong hatsing ako.

ayos na nga pala ang media player. hindi ko alam kung anong problema. basta, oo na lang.

ang sarap ng pakiramdam ng kaunting kaayusang may tsansang tumungo sa lalo pang kaayusan, hindi man lubos.

gawin ko pa kaya ang assignment ko sa quameth?

Monday, July 05, 2004

badtrip, problema, magnanakaw, wala naman talaga, habulan

una sa lahat, windows media player sucks! matapos kong i-download at i-install ang media player 9.0 na yan, sinubukan kong i-play ang isang video. may divx player naman ako pero ok sana kung sa mplayer ko na lang patatakbuhin pati na ang mga avi na nasa divx format. hang.

pangalawa, may problema akong napag-alaman pero iisipin ko na lang na masarap ang ice cream. may sarili kaming "problema" nina reggie, arun at cara. masaya pa. inalok ko na rin si jenny na problemahin ang mga problemang masaya at madaling lutasin.

pangatlo, magnanakaw nga ako. hehe. ilang beses din ako nakanakaw ng tingin kanina sa kabilang office. sa kung anong dahilan, natuwa ako sa hirit ni gp na isusumbong ako. masayang isipin na may pagsusumbungan.

pang-apat, nakaka-reinforce ang sinabi ni cara tungkol sa isang paksa - "wala naman talaga, `di ba?" no sarcasm. it takes away the heartbreak.

panghuli, ang saya talaga ng nfs: hot pursuit 2 pero badtrip talaga ang masyadong arcade feel niya. ano ba yan, halos dalawang taon na ang larong iyon, a, at iyon pa ang tipong hindi pang-classic o pang-matagalan. pero paano ba naman, e hanggang doon na lang halos ang kaya ng testtype version ewan ko kung pang-ilan na.

Sunday, July 04, 2004

astig

nahatid na namin sa airport sina taymond, ninong raul at iba pa. babalik na sila sa states. bitin ako sa tatlong linggo nila rito pero sulit na rin. naaalala ko noong Linggong dumating sila, ginising ako ni raymond.

sa loob ng tatlong linggo, binugbog ako, nag-upgrade ako ng pc para makalaro kami, nagbuo ng lego, naglaro ng nba live sa gamecube, nag-mall, nagpunta sa bulacan.

wala akong naibigay sa kanyang dadalhin para maalala maliban sa masasayang alaala at ang salitang "astig".

sana makauwi sila nang matiwasay at pagpalain silang lagi ng Diyos.

astig.

mga cd

sinubukan kong i-install `yung nfs sa hd ko gamit ang cd rom ng compaq sa kabila. hindi ko mapatakbo ang windows kaya abort mission. final resort for the day, buksan ang cd rom. oh yeah! kinalas ko `yung cd rom ko. hehe. nilinis ko ang lens gamit ang tuyong cotton bud. ewan ko kung gumana pero nang maibalik ko na, nabasa na ang cd. ang saya.

i feel geeky




lumabas kami pagkasimba (anticipated Mass). dahil may dala akong perang matagal ko ring tinago (paubos na ang isang libo mahigit na tinago ko), bumili ako ng cd. original `to kasi music cd. ayokong bumili ng piratadong music cd.

hindi ko pa napakikinggan ang cd. ewan ko kung anong reaksyon ni arun sa binili kong eraserheads anthology. hehe. i-ri-rip ko muna siguro ngayong gabi bago matulog. gawain ko iyon, e. para sa akin, hindi iligal ang pag-rip ng cd sa sariling pc. hindi ko naman dinu-duplicate kasi sa ibang format naman kinokopya. parang pagkopya ng tula sa notebook lang `yan.

Saturday, July 03, 2004

need for need for speed

P80 para sa isang cd na binili ko na nang dalawang beses noon (P90 yata nung una at P50 nung pangalawa). pinamigay ko kasi pareho. pero ngayon, gaya ng dalawang nauna, hindi mabasa ng cd-rom ng testtype. tsamba lang talaga noong gumana dati. badtrip. i'm in need of a new cd-rom. pero ok lang. hindi naman orig, e. hehehe.

naalala ko lang, hindi ko na natutupad ang pangakong hindi na ako maglalaro sa pc.

Friday, July 02, 2004

sana'y wala nang wakas

napagastos na naman ako kanina. dapat, uuwi ako kaagad pagkatapos ng quiz sa ENGIMAN para makatipid at makipaglaro kay raymond, pero kumanan ako patungong eng gate kung saan nadaanan ko sina lica. tumambay ako tapos isang oras yata pagkatapos, kumakain na ako ng tanghalian sa goose joint kasama nina jeff, patrick, shiela, at lica.

natawa ako sa sarili ko nang may kung anong pilisopiya na naman akong pinagsasasabi tungkol sa kung bakit inaangat ng isang tao ang kanyang sarili.

pagkatapos ay napasama kami sa Providence. uuwi na sana si lica kaso nakumbinsi at ako naman, kahit na gusto ko nang umuwi, umaasa rin na makumbinsi si lica na hindi muna umuwi.

mga kantang naaalala ko:

getting to know each other
closer you and i
bongga ka day (may naalala ako kaso buti na lang nakalimutan ko rin)
ligaya
better days
the prayer (pinakapangit na pagkanta namin ni patrick)
vincent
sana'y wala nang wakas
sana maulit muli
nandito ako

nag-panic na naman ako pero negligible kung ikukumpara sa madalas. hindi ko rin nalampasan kasi hindi rin naman ako makatingin noong kinakantahan ko siya. hehe.

pauwi, nag-LRT ako imbis na mag-jeep. syempre, magastos ako kapag hindi utak ang umiiral kundi puso (pero medulla oblongata talaga ang sabi kaso puso ang nagbibigay ng kapuna-punang reaksyon kaya puso na rin).

medyo isa't kalahating taon din ang hinintay ko bago kami nagkasabay sa isang sasakyan. badtrip lang ang paghihiwalay ng babae sa LRT. nauna akong bumaba. natapos ang langit.

friday, i'm in love.




mula kahapon, natuwa ako sa paglalaro ng gamecube. naayos na kasi ang gamecube ni raymond. kahit na NBA Live 2004 lang ang nilalaro namin, masaya naman. hanggang Linggo na lang ang tatlong linggo nilang bakasyon dito kaya sinusulit na namin. si raymond nga pala ay ang sampung taong gulang na pinsan kong galing states. anak siya ng yumao kong ninang forcie. sabi nila, magkamukha raw kami. sa kasalukuyan, naglalaro sila ni yonni sa sala namin. tinambakan kasi ako ni raymond gamit ang all stars west, e seattle lang ang gamit ko. oh well.

bukas, makakasama na ako sa kanilang maglaro sa donbosco at sana maraming g69 ang pumunta.




isa ito sa mga araw na may mataas na rating ng saya.