medyo nanghihina ako ngayong nagdaang araw. medyo panalo pa naman kagabi: wabi-sabi kasama nina iris at napnap tapos dinner pag-uwi kasama ang buong pamilya.
bago pumasok, nabalitaan ko sa radyo (oo, sa radyo, hindi sa internet) ang pagpanaw ni steve jobs. at oo, nakikidalamhati ako. siya ang nagpa-cool sa mga geek. good job.
parang ang dami kong ginawa at hindi nagawa sa trabaho ngayon. tila marami talagang kailangang gawin. haha. pero masarap din ang pakiramdam, nakakauwi nang maaga-aga. at walang nagbabadyang overtime sa sabado. sana makalabas kami ni best. kailangang mag-enjoy kami ngayong darating na weekend.
nakadaan ako kanina sa waltermart at marami-raming nabili. nakabili na rin ako sa wakas ng mga dvd-r. sampu. nakabili rin ako ng dalawang size 31 na c9 na slacks (itim at dark gray) na papapapalitan (wokey, napaisip ako kung tama yung salita) ko rin bukas ng size 30. nakabili na rin ako ng isa pang sports shirt, green t-shirt, at black polo. grand total: PHP2,049. oh yeah. starbucks. sana pwede ngang palitan yung mga pantalon. medyo masagwa yung luwag, e. medyo lang. at hindi ko kasi masusuot nang walang sinturon.
faraday na bukas. sana dalhin ni linette ang mga sinulat niyang kanta at sana maisipan at magawan ko agad ng tugtog. at syempre, sana magkaroon ng oras para makapag-jamming kami at makapag-gig. kailangan kong tumugtog uli sa stage.
No comments:
Post a Comment