Saturday, October 08, 2011

meteor shower fail

gumising ako at maulan. hindi ako nakalabas ng bahay buong araw. chill na lang. maulan sa labas. at ayun, bam, tinamad. hindi ko na rin pinilit si best maglakwastsa para bonding sila si sean.

anong nagawa ko ngayon? naglipat, nagbura, at nag-backup ng mga files sa dalawang desktop. naglaro rin ng nfs world. nakakaaliw ang nadiskubre ko kagabing bangko sa nfs world—treasure hunt. pwede na rin. mas hindi frustrating kumpara sa mga multiplayer race na masyadong outclassed ang sasakyan ko. pero medyo matagal pa talaga bago ako makabili ng tier 2 na kotse. hindi na siguro porsche cayman s ang bibilhin ko pag pwede na. toyota supra na lang. mas sulit.

geek mode. haha. sa 12 inaasahang lumabas ang mga amd fx na cpu na matagal ko nang inaantabayanan at balak bilhin. sa 27, ilalabas ang mg sandrock na siyang hudyat ko para bilhin ang mg shenlong. sakto pa pareho sa sweldo. ewan lang natin kung may sapat na pera pambili.

yung cpu, kahit papaano, kung may pambili ako at mabili ko, ok na. tapos na ang problema. mas problema yung gundam na mas may pambili ako. mabibili ko naman malamang yung shenlong, pero pag binili ko na ang sandrock na naka-schedule bilhin pag in-announce ang heavy arms, matatambakan ako ng mga hindi pa gawang gundam. hmm… yung 360 modena kaya, kailan ko matatapos? at yung supra na bigay ni yonni, gusto ko nang buksan at simulan.

No comments: