Friday, October 21, 2011

fried isaw night

sa wakas, nakakuha ako ng bakasyon. ang hindi lang ganoon kaganda, sana ang iba ko ring kasama, natatamasa nila.

hindi mabuti ang simula ng nagdaang dalawang araw. napakalaking pasasalamat ko sa Diyos, lumalabas, ok naman at hindi lang basta ok. trabaho, trabaho, trabaho. mukhang nasa tamang daan na kami para gumaan na ang buhay at trabaho.

mula lunes pala ako hindi nakapag-blog. ang naaalala ko, sasablay-sablay ako noong lunes at nagpaumaga na hanggang martes. miyerkules, ako yata ang huling umuwi. kahapon, nasa site coordination meeting buong araw, 7am hanggang 8pm. dumaan akong opisina at may nadatnang tirang handa. nakakabusog.

patext-text kay best, patext-text sa banda para sa praktis, pa-facebook-facebook pag-uwi, pa-email-email. oo nga pala, kailangan kong magreply ngayon sa email. pakonti-konting enjoy. pasingit-singit.

masarap na ngayong biyernes, nakatanggap ako ng  papuri mula sa boss ko. masabihan kang proud siya dahil bilib ang kiliyente sayo. bukod pa sa kahapon, pagpapakilala sa akin ni danilo ay isa sa pinakamahusay na nakilala niya. sana mapalabas ko rin ang husay ng mga kasama ko na para sa akin, sobrang karapat-dapat ng papuri.

nakahingi ako ng weekend pero magpapagod rin ako. ibang klaseng pagod. pagod sa pag-e-enjoy na hindi ko nagagawa sa trabaho. sana kayanin ng katawan ko.

salamat talaga sa Diyos sa lahat ng biyaya. isa sa pinakapanalo, may mga magulang akong sinusuportahan ako kahit hindi halata.

No comments: