Wednesday, October 12, 2011

kahel at maliwanag

mabagal at hindi kabutihan ang umaga ko pagkagising. sayang, masarap pa naman ang tulog ko at hanggang sa gumising. medyo sumama lang talaga. pinasya kong hindi na muna pumasok noong umaga. marami-raming nangyari.

nagtext si hazel kung pwede kaming tumugtog sa x japan gig dahil may nag-backout. txt brigade taps ayun, game, nag-confirm kami. nakapag-agahan ako ng dalawang pandesal at tuna at pumasok bago mag-lunch break.

sinimulan kong problemahin ang mga dapat problemahin sa g/f hanggang 8/f. nagkainitan dahil hindi ko pwedeng iwanan yung ginagawa ko para sumama sa meeting. boss dan and jonas to the rescue. hindi rin ganoon karami ang napala ko. medyo distracted at nanghihina at dismayado sa konting napala namin sa nagdaang linggo. ayos lang, nakarami naman kasi ng pahinga.

nabaling din ang atensyon ko sa mga review ng amd fx. maraming hindi ok na review sa fx-8150. may isa o dalawang nagsabing mukhang ok ang fx-8120 para sa presyo niya. medyo sakto, yun ang balak kong bilhin. sana meron dito nung 95w na fx-8120.

matagal bago dumating si danilo sa opisina kaya mga 9 na ako nakaalis pagkatapos ng konting usap at pagpaplano. binigyan niya ako ng libro na iwan ko (sana naiwan ko lang at hindi nawala) sa mesa ko. mga kwento. ayos, mukhang mapapabasa na naman ako. baka makapagsulat uli.

nagtaxi ako papunta sa nbc tent para sa race kit. orange and singlet ko at halos wala nang freebies. oh well. last day at halos closing time na. hehe. nakakasindak ang race map lalo na kung ganun kalaki ang drawing.

naglakad ako sa ulan papuntang mcdo para kumain. tumawag ako sa nanay ko para sabihing doon na ako kakain kasi gutom na ako. madali akong nakakuha ng taxi pauwi at nakapagrosaryo naman pagdating.

maraming nangyari ah. nasa conference kami ngayon ni dogi. wala pa si thad. mamayang kaunti, may rereplyan akong email. ang bait ng Diyos. hindi kasing-bigat ng inasahan ko ang araw na ito. maliwanag nga kahit maulan.

No comments: