Monday, October 10, 2011

lunes at mga poste

halos yung column tables ang inasikaso ko buong araw sa trabaho ngayon. na walang overtime. may sobra, pero hindi umabot sa overtime. oh yeah. madilim na nga lang nung umuwi ako kasi muntik na akong ma-late at malapit nang mag-disyembre, maaga na ang kagat ng dilim.

ang sayang gumamit ng macro at magplano kung paano ang paggawa sa cad. bukas, dapat todo trabaho at dapat malaki ang progress. siguro, sana, makakapag-training na rin ako pagkatapos ng trabaho. o mukhang kailangang unahin ang pag-claim ng singlet atbp.

nagawa ko, unang araw ng panatang magdasal ng rosaryo araw araw at yung prayer of commitment para sa one million rosaries a day for 200 days. dapat, parang ang mga ginagawa ko sa excel at ang inaasahan ko sa mga cad operator namin, dapat gawin ang lahat para maging maayos ang buhay at malinis ang kaluluwa. sablay din kasi ako madalas, e. dapat, dapat galingan ko lalo sa aspeto na to ng buhay ko.

No comments: