kahapon yata noong hinirit ito ni tristan. may sense nga naman.
bukas, patapos na ang work week. dapat tapusin nang mahusay. itong araw rin na ito, medyo hindi maganda ang simula. late pa sa pagpasok. pag-uwi, inasistihan ko si arianne sa pagpunta niya para makipagkita sa mga kaibigan para sa lakwatsa nila. pagkatapos, matagal ako sa waltermart, kumain ng shawarma, namili sa robinson�s, sa handyman, at sa cdrking.
halos dalawang oras din ako sa waltermart. napaabot ko ng at least 2,000 pesos ang pinamili ko sa robinson�s. medyo off lang kasi 2,400+ lahat at 400 lang ang isa. ayos lang. kailangan ko rin naman yung pantalon at maganda naman ang mahal na polo.
nakabili na rin ako sa wakas ng bumbilya para sa dining room. nakakaaliw ang spiral na cfl. mas maliwanag na. mukhang kasya pa rin naman yata kahit hindi spiral yung cfl pero ok na rin. ayos pa pala, 169 ang isang bumbilya. isa pang nabili ko sa wakas ay ang adaptor na may switch para sa laptop ni papa.
last stop bago umuwi, cdrking. bumili ako ng ps/2 to usb adaptor para gamitin sa lumang laptop sa office at tama ang sabi ni kuya marlon, 50 pesos lang. parang ok sana kung yun na lang binili ko dati para sa netbook pero ok na rin na usb keyboard ang mga binili ko noon.
pag-uwi, kain, kwento, dasal, aircon, internet. nakakainip ngang mag-weekend pero may isa pang araw para matapos nang maganda ang work week.
No comments:
Post a Comment