anong bang nangyari ngayon? parang ganun lang, tapos na ang araw at tila marami pa rin hindi natapos. isang natapos halos, yung ginagawang column schedule ni narch. medyo masyado ko ata siyang binantayan at medyo nagsisisi ata ako na mababa binigay kong grade sa evaluation niya. sana lang, maganda ang kahinatnan.
hindi ako natuloy sa jogging para bumili ng cross-training shoes sa landmark. nakabili naman ako ng running shoes. hehe. bukas, kailangang tumakbo. at dapat maisimba ko ang bagong sapatos sa umaga.
midweek bukas, dapat ok at dapat madala ang pagiging ok hanggang homestretch. kung tutuusin pala, huling araw na ng workweek bukas dahil may seminar sa huwebes at biyernes. ayun, mas dapat pagbutihan.
No comments:
Post a Comment