Tuesday, June 21, 2011

cork

nakakakaba ang trabaho. nararamdaman ko na ang pressure. buti may mga makakatulong sa akin. bukas, mapapasabak. aayusin ang ilang buwang worth ng sablay.

may hindi magandang balita sa opisina kanina. pumanaw na si sir roman. siya’y aalalahanin. nakita ko kanina ang binigay sa akin ni angel na cork na galing kay sir roman. “simbolo ng walang-hanggang pagkakaibigan.”

kauuwi ko lang mula sa ospital. nagpapagaling na si ate. naghihintay lang maglabas ng hangin sa tiyan. mabuti rin at mabuti na ang pakiramdam ni mama at kasama ni buds, sinasamahan nila si ate ngayong gabi.

kailangang matulog nang maaga ngayon. kailangang gumising nang maaga bukas. may mga kailangang matupad bukas. sa biyernes, magkakasiyahan kami nina bianca, iris, dan, arianne, at kung sinong iba pang sasama.

No comments: