nakapag-ayos ako ng mga box dito. medyo. yung mga “kalat” sa malaking box, nalipat ko sa ilang box ng sapatos. nilipat ko na rin yung plastic box sa ilalim ng drafting table. may na-recover akong floor area dahil nailalagay ko na sa ilalim nitong upuan ko yung stool. sakto pala.
nakapagwalis-walis din ako. medyo maaliwalas na ang kwarto ko. medyo. marami pa ring random na pagkakatambak. mas organized na lang ang kalat ko. hahaha.
kasabay nito, sana mas umaliwalas na rin ang buhay.
No comments:
Post a Comment