Saturday, June 11, 2011

starbucks coffee and burger machine

masarap talagang matulog sa sofa.

pumasok ako sa opisina nang mga 1130 at kumain kami nina boss dan at sir gary sa little tokyo. pagkatapos, hanggang mga 2pm ata kami ni boss sa pc express para dun sa 3TB 6gbps hdd. pagbalik, halos nag-ayos lang ako ng mga gamit at nag-take home. wala kami masyadong tinrabaho ni tristan. sinumulan na rin namin ang case study kung alin nga ba talaga ang problema, kung yung pc mismo, yung outlet ng kuryente, o yung avr.

uwian, nagulat si dian sa akin kaya hindi umabot ng 8 hours na OT. nilibre ko siya ng libreng starbucks. nung maghiwalay na kami ng landas, dumaan na rin ako sa burger machine para bumili ng pangsabay sa kape ko.

sa bahay, nakatulog ako habang nagdadasal. tsk. akala ko pa naman nagpapagising ang kape.

bukas, piyesta sa Espiritu Santo. doon kami magsisimba sa umaga. sa hapon naman, kasal ni bryan. matapos ang matagal na panahon, makikita ko uli siya, si vicky, si patrick, at si sheila.

No comments: