kailangan kong itapon ang lalagyan ng greenwich sidekicks sa tabi ng computer.
tapos na ang work week na bitin sa mga natupad na tungkulin. sa makalawa, Linggo ng Palaspas na. hindi ko alam, medyo bitin din ako sa lenten season ko ngayon. sana makabawi sa darating na linggo.
kami lang ni papa dito sa bahay ngayon dahil nasa retreat si mama. ayun, pareho kaming nakaharap sa pc. ganito na nag-evolve ang household. oh well. buti medyo napapatambay pa rin ako sa baba pagkabihis pagdating ng bahay.
this week, dahil may mga bagong tao sa opisina, medyo nagkakaroon na rin ng bagong interaction. yun lang, may nawala, pero pagbabago rin yun.
inusog ko na rin mula sa ilalim ng mesa papunta sa ilalim ng upuan ang ibox. ayos pala. mas hindi sagabal. mas pwedeng umupo nang maayos. 2 linggo bago ang outing namin nina venjo at 3 bago ang outing sa office, may mga kailangang paghandaan. kailagan kong maglinis. labas at loob.
No comments:
Post a Comment