Thursday, April 28, 2011

new light

mas maliwanag na ngayon sa kwarto ko. halos doble ang lakas ng ilaw. kung dati na sigurong ganito ang ilaw, mas maliwanag ang mga kuha kong retrato sa mga scale model at gitara ko. ewan ba. may pagkahumaling ako sa dim lighting dahil na rin sa aking migraine na madalas mangyari noong college. isa pa, ang pagtulog ko nang nakabukas ang ilaw. malamang ngayon, mas mapipilitan akong patayin ang ilaw bago matulog.

naaadik nga ako sa angry birds sa netbook ko at ngayon, dina-download ko na dito sa desktop. $4.99. pwede na.

nalutas ko na rin kagabi ang aking suliranin sa credit card. hindi marunong magbasa. credit pala, hindi ko pala kailangang bayaran. lumalabas, nadoble ko pa ang pondo ko sa account ko.

umuwi akong maaga-aga dahil hindi ko kaya sa trabaho. sabi ko nga, ang laki ng responsibility ko ay mas mataas sa level ng capability ko. nahihirapan ako at kinakabahan. kailangang mag-easy.

bumili ako ng siopao pauwi dahil sweldo kahapon at tila gutom ako. pero lagi naman akong gutom pag ganung oras. malamang mas maaga lang akong nagutom dahil chicken sandwich sa burger king lang ang kinain ko noong lunch kahit nakakabusog din naman iyon.

madali akong naengganyong kumain sa burger king (kahit ang kinahinatnan ay nag-takeout lang kam). ok din sa trip si ailene, large onion rings at maraming catsup.

isa siguro sa malaking pinroblema ko ngayong araw ay ang pera. sa totoo lang, may kawalan at kakulangan sa pag-asa sa paligid pagdating doon. matagal ko nang pinoproblema at hindi pa rin nalulutas. pero pag kausap ko si best, kahit may sarili akong problema, parang hindi ko masabi sa kanya. gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako nawawalan ng pag-asa. at pati sa mga kalungkutan niya, hindi dapat mawala ang pag-asa ko na sasaya siya at sasaya rin ako balang araw. kapag nawala na ang pangangarap, mawawala na rin ang katuparan.

No comments: