Friday, April 08, 2011

high-rise submerged day

unang trabaho kaninang umaga, meeting sa shangri-la fort site. maraming notes, tila mas maraming kailangang gawin. nananghalian sa tokyo tokyo at medyo nahirapan sa chopsticks.

pagbalik sa opisina, nakipag-away (o mas tama atang sabihing inaway) sa telepono. sige lang. nakakahingal lang kasi kinailangang tumakbo. pagkatapos, tila manhid na ako. di ko alam kung gaano kabuti o kasama iyon.

nagmadali ako papuntang mrt-ayala para sa transaksyon. pinawisan ako sa paglalakad nang malayo. pagod dapat ako pero excited. matapos ang paghihintay, sa wakas, nabili ko na ang hd6950 1gb.

pag-uwi, hindi pa ako nakakapagbihis, niretratuhan at sinubukan ko nang ikabit ang upgrade sa pc. medyo gutom lang. pagkakain, sa nasimulan ko nang tamasahin ang 60fps.

No comments: