nakakatawa, ang loser, buhay sa game ang kinekwento kanina. level 15 sa nfs world at nakakuha ng special performance upgrade part.
moving on, medyo magaan ang trabaho kanina pero tila kulang pa rin ang napala. ang maganda, may napala naman. medyo nakapag-trip din bilang panandaliang kapalit sa lugar ni ma�am belle sa 2nd floor.
pero pakiramdam ko, natatalo ako sa isang laban sa buhay. sana, sana lang talaga, matupad yung pangarap ko. hindi ko kasi mahawakan, e. hindi nga ako makapunta sa gusto kong puntahan. ngayon, siguro dala rin ng kape, kinakabahan ako. iniisip ko na lang, bago umuwi, naipagdasal ko naman.
masarap dumaan sa adoration chapel. syepmpre, alam ko yung tungkol sa dasal na hindi naman nangangahulugang hiningi mo, ibibigay sayo. mas pipiliin pa rin kung ano ang mas makabubuti sayo. pero hindi sa kung masasagot o hindi ang dasal, yung mismong pagdulog lang sa Nakatataas, masarap na rin. mapalad ang mga nananampalataya.
sa 69 na panalo at 96 na talo, kung tutuusin, mas may halaga ang 69 kaya ok talaga yun.
No comments:
Post a Comment